Patuloy na pagwasak sa Homonhon island, ikinababahala ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,348 total views

Labis na ikinabahala ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang patuloy na operasyon ng pagmimina sa makasaysayang Homonhon Island sa Guian, Eastern Samar.

Ayon kay Bishop Varquez, ang pananatili ng mga mining company sa isla ang tuluyang pipinsala hindi lamang sa mga likas na yaman, kun’di maging sa kaligtasan ng mga apektadong pamayanan.

“We are very much disturbed by the escalated mining operations in our beloved historical island of Homonhon… Their immediate and negative effects on the communities and the natural environment are very alarming,” pahayag ni Bishop Varquez.

Higit 500-taon na ang nakakalipas nang maging bahagi ang Homonhon Island sa makasaysayang pagdating ng Kristyanismo sa Pilipinas makaraang dumaong ang grupo ni Ferdinand Magellan sa isla noong Marso 16, 1521.

Panawagan naman ni Bishop Varquez sa mga kinauukulan na pag-aralang mabuti ang mga proyekto ng pag-unlad at tiyaking hindi ito mag-iiwan ng malaking pinsala sa kalikasan at buhay ng mga tao.

Iginiit ng Obispo na dapat higit na isaalang-alang ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng nakararami bago pahintulutan ang mga malalaking proyekto.
“We call on our government leaders and concerned agencies to take action on this matter,” ayon sa Obispo.

Naunang kinondena ni Borongan Social Action Director Fr. James Abella sa panayam ng Radio Veritas ang pagmimina sa Homonhon na nakakaapekto na sa hanapbuhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa kasalukuyan, ang TechIron Resources, Inc., Emir Mineral Resources Corp., King Resources Mining Corp., at Global Min-met Resources, Inc. ang apat na mining company na nagsasagawa ng operasyon sa Homonhon Island.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,444 total views

 17,444 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,458 total views

 67,458 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,327 total views

 63,327 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,358 total views

 99,358 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 107,154 total views

 107,154 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top