Mananampalataya, inaanyayahan sa Luzon Apostolic Congress on Mercy 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,645 total reads

Inaanyayahan ng Divine Mercy Philippines ang mananampalataya na makiisa sa isasagawang Luzon Apostolic Congress on Mercy o LUACOM 2023.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Episcopal Coordinator ng Divine Mercy Philippines and Asia isa itong pagkakataong maranasan ng mananampalataya ang habag at awa ng Panginoon.

Sinabi ng obispo na sa pamamagitan ng pagtitipon ay muling ipamamalas ng tao ang dakilang pag-ibig ng Diyos lalo na ang liwanag ng muling pagkabuhay ni Hesus.

“We, Filipinos have this very beautiful and realistic proverb. It is “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. We are really maawain at mapangkawanggawa. With this Luzon Apostolic Congress on Mercy, we relive, commit and share God’s divine mercy to others,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Isasagawa ang LUACOM 2023 sa April 20 at 21 sa Malolos Convention Center sa Bulacan sa pangunguna ng Diocese of Malolos.
Apela ni Bishop Santos sa mamamayan na makiisa sa pananalangin para sa ikatatagumpay ng pagtitipon at mabanaagan ng tao ang awa ng Panginoon.

“I invite you to pray with us and join us on those memorable and holy days. Together, we think of mercy, we speak mercy and we do mercy,” ani Bishop Santos.

Bukod kay Bishop Santos, dadalo rin sa pagtitipon sina Malolos Bishop Dennis Villarojo, Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula gayundin si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

Matatandaang nagtalaga ang Santo Papa Francisco ng missionaries of mercy sa Pilipinas upang maging katuwang sa pagpapalaganap ng habag at awa ng Panginoon lalo na sa paggawad ng sakramento ng pagbabalik loob.

Mahigit sampung pari sa bansa ang binigyang special authority ng simbahan sa paggawad ng kapatawaran sa mga kasalanang bukod tanging Vatican ang may kakayahan tulad ng pagbabanta sa buhay ng Santo Papa at ang paglabag ng mga pari sa seal of confession.
May kapangyarihan din ang missionaries of mercy na magpatawad sa nagagawa ng aborsyon kung saan ang karapatan sa paggawad ng kapatawaran ay inilaan lamang sa mga obispo.

Sa Linggo, April 16 ay ipagdiriwang ng simbahan ang kapistahan ng Divine Mercy.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,749 total reads

 10,749 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,876 total reads

 10,876 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 19,866 total reads

 19,866 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 76,272 total reads

 76,272 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 199,773 total reads

 199,773 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 284,153 total reads

 284,153 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top