Karahasan sa Bohol, kinundena ni Bishop Uy at Bishop Parcon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,967 total reads

Mariing kinundena ng Diocese of Tagbilaran at Talibon sa Bohol ang mga karahasan sa lalawigan.

Ikinababahala ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy at Talibon Bishop Patrick Daniel Parcon ang sunod-sundod na insidente ng pamamaslang sa ilang bayan sa Bohol na malaking banta sa kaligtasan at kapayapaan sa lugar.

Iginiit ng mga obispo na kahiya-hiya at tahasang paglabag sa ikalimang utos ng Diyos na ‘Huwag kang papatay’ ang krimen lalo’t ipinagdiriwang pa rin ng simbahan ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

“Kami, inyong kaobispohan sa Diocesis sa Talibon ug Tagbilaran, isip inyong ubos ug dili-takos nga mga amahan sa pagtoo, hugot nga nanawagan sa tanang katawhan nga adunay maayong kabubut-on, Katoliko man o dili, sa paghiusa aron pag-kondenar niining makauulaw nga sala ug krimen sa pagpatay sa tawo nga minugna sa larawan ug kasamahan sa Dios,” pahayag ng dalawang obispo.

Batay sa ulat April 3, Lunes Santo nang barilin ang isang retiradong pulis sa Barangay Calanggaman, Ubay; April 14 ang pamamaril sa Los Angeles, Ubay habang April 17 ang insidente ng pangho-holdup at pagpatay sa isang security guard sa San Pascual, Ubay.

Apela nina Bishop Uy at Bishop Parcon sa mga awtoridad na paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa mamamayan upang mapawi ang anumang pangamba dahil sa mga krimen.

“Nanawagan usab kami sa mga kadagkoan sa atong panggobiernong sibil, ilabina sa atong mga kapolisan aron magtukaw diha sa pagbantay ug pagsumpo niining maong krimen sa pagpatay ug paghatag og igong proteksyon sa atong mga inosenteng katawhan nga nangahadlok alang sa ilang kaugalingong kasiguroan ug sa ilang mga mahal sa kinabuhi,” anila.

Umaasa ang mga pastol na magsisi ang mga salarin at buong kababaang loob na aminin ang pagkakasala para mabigyang katarungan ang mga biktima.

Hiniyakat din nito ang mga Bol-anon na maging mapagbantay sa paligid at ipagbigay alam sa awotoridad ang mga kahina-hinalang indibidwal.

“Ang tanang molupyo kinahanglang magpakabana alang sa kaugalingon ug sa isigkaingon. Ug maghiusa kitang mangaliyupo sa Dios, kang Maria Santissima ug mga santos, nga ang hustisya makab-ot alang sa mga biktima ug sa ilang mga pamilya. Ug ang kalooy ug kalinaw ni Kristo nga nabanhaw maghari pag-usab niining pinalanggang katawhan sa Dios sa probinsiya sa Bohol,” saad ni Bishop Uy at Bishop Parcon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 7,271 total reads

 7,271 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 61,327 total reads

 61,327 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 146,692 total reads

 146,692 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 193,429 total reads

 193,429 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 241,300 total reads

 241,300 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 342,222 total reads

 342,222 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top