Obispo, umaapela ng dasal sa paglago ng bokasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,104 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na patuloy ipanalangin ang bokasyon upang higit na sumigla ang simbahan.

Ayon kay CBCP – Episcopal Commission on Vocations Chairman Novaliches Bishop Roberto Gaa, mahalagang suportahan ng mga layko ang paglago ng bokasyon ng mga kabataang handang maglingkod sa Panginoon.

“Tayo po ay magdasal para sa bokasyon maging aktibo po tayo at pasiglahin ang simbahan sa pamamagitan ng pag-aalay at paghahanap ng mas maraming pari na maglingkod sa kanya,” bahagi ng pahayag ni Bishop Gaa.

Ito ang mensahe ng obispo sa nalalapit na World Day of Prayer for Vocations sa April 30 kasabay ng Good Shepherd Sunday.
Kaugnay nito magsasagawa ng Holy Hour for Vocations ang Diocese of Novaliches sa April 29, alas otso ng gabi na pangungunahan ni Fr. Marvin Riquez ang National Coordinator ng Diocesan Vocation Director in the Philippines.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Riquez, binigyang diin nito ang patuloy na paglago ng bokasyon sa Pilipinas dahil sa suporta at panalangin ng mamamayan.

“Actually, ang bokasyon naman sa Pilipinas ay patuloy sa paglago sapagkat patuloy tayong nagdarasal, isang hamon sa atin na huwag tumigil ipagdasal ang bokasyon sapagkat sa pamamagitan ng mga panalangin ay lumalago at dumadami ang bokasyon,” pahayag ni Fr. Riquez sa Radio Veritas.

Inaanyayahan ng pari ang publiko na dumalo sa Holy Hour for Vocations na gaganapin sa Sta. Lucia Parish sa Novaliches kung saan matutunghayan din sa official Facebook page ng parokya at ng Diocese of Novaliches.

Sa kasalukuyan nasa sampung libo ang mga pari sa Pilipinas na naglilingkod sa mahigit 80-milyong katoliko sa 86 na mga arkidiyosesis, diyosesis, prelatura at bikaryato.

Hinikayat ni Fr. Riquez ang mga kabataang tinawag sa paglilingkod na bisitahin ang mga tanggapan ng vocation director sa bawat diyosesis o sa kongregasyon ng mga relihiyoso.

“Sa mga kabataang lalaki na nagninilay at nag-iisip na tumugon sa tawag ng paglilingkod maaring bisitahin ninyo ang mga tanggapan ng vocation director sa inyong mga diocese,” giit ni Fr. Riquez.

Tema ng ika – 60 anibersaryo ng World Day of Prayer for Vocations ang “Pray the Lord of the harvest to send laborers into his harvest” na hango sa ebanghelyo ni San Mateo at San Lucas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,491 total views

 48,491 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,360 total views

 44,360 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,562 total views

 80,562 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,249 total views

 89,249 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,458 total views

 114,458 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top