Pagmimisyon, apela ni Pope Francis sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,072 total views

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagmimisyon sa simbahang katolika ay gawain ng bawat binyagang kristiyano.

Sa pagdiriwang ng World Day of Prayer for Vocations hamon ng santo papa sa mananampalataya na tumugon sa tawag ng pagmimisyon sa pamamagitan ng pagbubuklod ng pamayanan.

“Led by the Spirit, Christians are challenged to respond to existential peripheries and human tragedies, ever conscious that the mission is God’s work; it is not carried out by us alone, but always in ecclesial communion, together with our brothers and sisters, and under the guidance of the Church’s Shepherds,” pahayag ni Pope Francis.

Binigyang diin ng Santo Papa Francisco na bawat bokasyon ay may kaakibat na misyong gagampanan sa lipunang kinabibilangan.

Ipinaliwanag ni Pope Francis na bagamat magkakaiba ang bokasyon ng mananampalataya ay iisa ang hangaring magbuklod sa pagbuo ng munting simbahan sa bawat pamilya at sa mga sektor ng pamayanan.

“In the Church, we are all servants, according to different vocations, charisms and ministries; vocation is a gift and a task, a source of new life and true joy. May the initiatives of prayer and of activity associated with this Day strengthen an awareness of vocation within our families, our parish communities, our communities of consecrated life, and our ecclesial associations and movements,” giit ni Pope Francis.

Sa April 30 ipagdiwang ng simbahan ang ika – 60 anibersaryo ng World Day of Prayer for Vocations na pinasimulan ni Saint Paul VI noong 1964 na layong paigtingin ang pagmimisyon ng simbahan sa pamamagitan ng bokasyon.

Kaugnay nito umapela ng panalangin si Novaliches Bishop Roberto Gaa, ang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Vocations sa mamamayan para sa pagkakaroon ng mas maraming bokasyon lalo sa kabataang handang tumugon sa tawag ng paglilingkod sa simbahan.

Magsasagawa ng Holy Hour for Vocations ang Sta. Lucia Parish sa April 29 sa alas otso ng gabi na pangungunahan ni Fr. Marvin Riquez ang National Coordinator ng Diocesan Vocation Directors in the Philippnines para sa paggunita sa ikaanim na dekada ng World Day of Prayer for Vocations.

Read: https://www.veritasph.net/obispo-umaapela-ng-dasal-sa-paglago-ng-bokasyon/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 21,680 total views

 21,680 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 49,685 total views

 49,685 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 67,485 total views

 67,485 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 66,579 total views

 66,579 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 177,463 total views

 177,463 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 8,821 total views

 8,821 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top