Parokya at mission stations, pinagsama-sama ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,903 total reads

Pinagbubuklod ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang magkakalapit na parokya at mission stations upang higit na mapaglingkuran ang mananampalataya.

Batid ni Bishop Pabillo na balakid ng Apostolic Vicariate of Taytay ang magkakalayong lugar ng mga isla at ang kawalan ng sapat na access sa internet upang mabilis maabot at matugunan ang pangangailangan ng kawan.

Pinangkat ng obispo ang mga simbahan kung saan nagtalaga ng coordinator na mangangasiwa sa bawat distrito.

“Para sa maayos na pamamahala at pagsuporta sa lahat, ang ating bikaryato ay hinati natin sa mga distrito; pinagsama-sama natin ang mga Parokya at Mission Stations na malapit-lapit sa isa’t isa,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Tungkulin ng bawat coordinator na makipag-ugnayan sa mga pari at lay leaders na nasasakupan para matiyak ang pagkakaisa sa pagpatupad ng mga programa ng simbahan at masubaybayan ang bawat pangangailangan at pag-unlad ng kawan.

“Pupulungin ko rin ang mga coordinators upang magkaisa din ang pagkilos bilang bikaryato at upang madaling makita ang mga pangangailangan ng nakararami,” ani ng obispo.
Apela ni Bishop Pabillo sa mga pari at layko na makipagtulungan sa itinalagang coordinators upang maisabuhay ang synodal church.

“Ang pagbubuklod natin sa mga distrito ay isang paraan upang paigtingin itong sama-samang pagkilos natin bilang simbahan na Katawan ni Kristo,” giit ni Bishop Pabillo.

Ang bikaryato na kinabibilangan ng mga lugar sa Northern Palawan ay binubuo ng 23 mga parokya at walong Mission Stations na karamihan ay sa mga isla.

Si Bishop Pabillo ay itinalaga ni Pope Francis na punong pastol ng Taytay Palawan noong June 2021 at pormal na nailuklok noong Agosto ng kaparehong taon bilang kahalili ni Bishop Edgardo Juanich.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 191,937 total reads

 191,937 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 262,356 total reads

 262,356 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 295,805 total reads

 295,805 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 331,105 total reads

 331,105 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 549,886 total reads

 549,886 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top