Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa harap ng matinding El Niño

SHARE THE TRUTH

 684 total views

Mga Kapanalig, ramdam na ramdam pa rin natin ang napakainit na panahon. Dahil sa matinding init, nagsimulang ipatupad sa ilang pampublikong paaralan ang half-day classes.1 May ibang paaralan namang nagsasagawa ng hybrid classes. 

Noong katapusan ng Abril, naitala ang dangerous heat index sa maraming lugar sa ating bansa. Pumalo ang naramdaman nating init sa pagitan ng 42 at 51 degrees Celsius.2 Ayon sa World Meteorological Organization, mas lalalâ pa ito sa darating na mga buwan dahil sa epekto ng El Niño, o ang abnormal o hindi pangkaraniwang pag-init ng panahon dala ng lubhang pag-init sa Pacific Ocean.3 Nagdadala ito ng mas mainit na temperaturang  nagdudulot ng malawakang tagtuyot sa ilang lugar at ng malalakas na pag-ulan naman sa iba. Kapag mainit, pakiramdam natin ay para tayong nasa pugon. Kapag maulan naman, walang patid na ulan naman ang bumabagsak, katulad noong 2009 kung saan tumama sa bansa ang Bagyong Ondoy. 

Ang tindi ng dalang mga epekto ng El Niño ay pinalalalâ naman ng climate change. Sinabi sa Country Climate and Development Report ng World Bank noong 2022 na malaki ang epekto ng climate change sa pagdanas natin ng tinatawag na extreme weather conditions. Banta ito sa ekonomiya ng ating bansa at sa kalusugan natin. Minsan na nating nabanggit sa isang editoryal ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations na siyam sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing nararanasan nila ang epekto ng climate change, katulad ng nakapapasong init ngayon.4 

Sa harap ng banta ng El Niño at climate change, masasabing isang positibong hakbang ng kasalukuyang administrasyon ang paglalaan nito ng dagdag na budget para sa mga programa ng Climate Change Commission. Tumaas ng 48% ang kabuuang budget nito ngayong taon. Kung magagamit nang tama ang budget na ito, padadaliin nito ang pagpapatupad ng Climate Change Act of 2009.5 Ilan sa mga prayoridad na programa ng komisyon ay nakatuon sa pagkakaroon ng food security, sapat na tubig, human security, at sustainable energy. Sana ay mayroon ding programa para sa sektor ng edukasyon, lalo na’t hindi biro ang epekto ng mainit na panahon sa pag-aaral ng mga estudyante, katulad ng binanggit natin kanina sa simula. Hindi sana maging mga panandaliang programa ang maiisip at ipatutupad ng ating gobyerno. Kailangan nating makita ang sigasig ng pamahalaan, sa pangunguna ng Climate Change Commission, sa pagbawas sa negatibong epekto ng climate change, lalo na ngayong umiiral ang El Niño.  

Kung ang CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ang tatanungin, mas makatutulong kung magdedeklara ang gobyerno ng climate emergency.6 Hindi na raw sapat ang maliliit at hiwa-hiwalay na mga proyekto. Kung may climate emergency, magkakaroon tayo ng tinatawag na sense of urgency. Wala tayong sasayanging panahon. Ibubuhos ng gobyerno ang atensyon at mas malaking pondo nito para sa tugunan ang mga epekto ng climate change. Ito ang kailangang-kailangan natin. Sabi nga ni Pope Francis, ang kabiguan natin—lalo na ng mga nasa kapangyarihan—na kumilos upang bawasan ang mga sanhi ng pag-init ng ating planeta ay kalupitan sa mahihirap at mga susunod na henerasyon.7 

Mga Kapanalig, ang climate change ay patunay na sinasalaula natin ang mundong bumubuhay sa atin, salungat sa ipinapaalala sa atin sa Mga Bilang 35:34 na hindi natin dapat dungisan ang lupaing ating tinitirhan. Ang nakapapasong init na nararanasan natin ngayon at ang mga mapaminsalang bagyong darating sa mga susunod na buwan ay hindi maihihiwalay sa climate change. Wala na bang pag-asa? Mayroon pa, mga Kapanalig. May pag-asa pa kung gagawin natin ang ating responsabilidad, kasama ang pagtiyak na kikilos ang ating mga lingkod-bayan upang hindi pa tayo dumagdag sa pag-init ng ating nag-iisang tahanan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 26,131 total views

 26,131 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 76,694 total views

 76,694 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 24,141 total views

 24,141 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 81,874 total views

 81,874 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 62,069 total views

 62,069 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 26,132 total views

 26,132 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 76,695 total views

 76,695 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 81,875 total views

 81,875 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 62,070 total views

 62,070 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 45,102 total views

 45,102 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 53,783 total views

 53,783 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 68,545 total views

 68,545 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 75,660 total views

 75,660 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 49,790 total views

 49,790 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 49,562 total views

 49,562 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 49,263 total views

 49,263 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 41,597 total views

 41,597 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 81,177 total views

 81,177 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 88,731 total views

 88,731 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 84,614 total views

 84,614 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top