Mamamayan, hinikayat ng CBCP-ECHC na suportahan ang Chikiting Ligtas ng DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,713 total reads

Hinikayat ng Healthcare Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko na suportahan ang mga programa at layunin ng Department of Health.

Ito ang Chikiting Ligtas 2023 project ng DOH o ang Measles and Rubella Vaccine-Oral Polio Vaccine (MRV-OPV) supplemental immunization activity na layong isulong ang pagbabakuna sa mga kabataan laban sa vaccine-preventable diseases (VPDs).

Ayon kay Camillian Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-ECHC, mahalagang magkaroon ng karagdagang proteksyon ang mga bata upang mapangalagaan mula sa epekto ng mga nakakahawang sakit.

“Maraming mga parokya ngayon sa iba’t ibang diyosesis ang nakikilahok dito sa Chikiting Ligtas na ito. Kaya para sa akin, ito ‘yung pagpapalaganap ng proper information sa kahalagahan ng ating kabataan. Ito ang paglahok natin para sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa mga magulang at sa ating buong komunidad,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ng pari na sa pag-iral ng COVID-19 pandemic sa bansa ay bahagyang naisantabi ang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataan dahil mas tinutukan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination campaign.

Tiniyak naman ni Fr. Cancino ang pagtulong ng simbahan sa pamahalaan para ipabatid sa publiko ang pakikilahok sa Chikiting Ligtas campaign at ang kahalagahan nito sa kalusugan ng mga kabataan.

“Kaya tayo sa simbahan, nagpapalaganap tayo ng tamang impormasyon tungkol sa Chikiting Ligtas na ito. Marami na rin sa ating mga parokya ang nakikilahok sa mga local government units, rural health units, at municipal health offices para mapalaganap natin itong mga impormasyon. At ‘yung iba nga ay nagiging venue para maging vaccination sites para sa mga bata,” ayon kay Fr. Cancino.

Batay sa tala ng DOH, umabot na sa higit 5.3 milyong bata ang nakibahagi at nabigyan ng bakuna laban sa VPDs dalawang linggo matapos ilunsad ng ahensya ang kampanya.

Maaaring pabakunahan laban sa tigdas at rubella ang mga bata mula siyam na buwan hanggang limang taong gulang, habang ang bakuna kontra polio nama’y para sa limang taong gulang pababa.

Naitala noong 2019 ang 50,000 kaso ng tigdas, kung saan 637 ang nasawi, habang sa katulad ding taon ay apat na bata naman ang nasawi sanhi ng polio.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 24,833 total reads

 24,833 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 47,751 total reads

 47,751 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 84,251 total reads

 84,251 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 304,876 total reads

 304,876 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,084 total reads

 338,084 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 98,269 total reads

 98,269 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top