Simbahan at lugar na may malaking ambag sa kasaysayan ng Pilipinas, pinapahalagahan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,468 total views

Patuloy na pinahahalagahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga simbahan at pook sa bansa na may malaking ambag sa kasaysayan.

Ayon kay CBCP Commission on Cultural Heritage of the Church Executive Secretary Fr. Milan Ted Torralba, ang pagsisikap ng simbahang maideklarang mahalaga ang mga gusaling itinayo daang taon ang nakalilipas ay upang hikayatin ang mamamayan na pangalagaan at pahalagahan.

“Ang personal motivation ko nitong mga declarations [National Cultural Treasure/Important Cultural Property] sa mga gusali na itinayo noong Spanish colonial period dito sa ating bansa para ipaalala sa bawat Pilipino na ang simbahan ang nangunguna sa pagpapahalaga at hindi malilimutan ng tao at kaparian ang mga pamanang patuloy pinakikinabangan,” pahayag ni Fr. Torralba sa Radio Veritas.

Ito ang mensahe ng pari kaugnay sa pagdeklara ng National Museum of the Philippines sa ilang simbahan sa Bohol bilang mga mahalagang yaman sa bansa.

Kamakailan ay isinapubliko ng NMP ang tanda sa ikasiyam na simbahang National Cultural Treasure ang San Vicente Ferrer Parish sa Calape Bohol.

Makalipas ang ilang araw ay natanggap na rin ng Nuestra Senora del Carmen Parish sa Balilihan Bohol ang tanda mula sa NMP bilang pagkilalang Important Cultural Property.

Ayon kay Fr. Torralba na siya ring chairperson ng Commission on Cultural Heritage ng Diocese of Tagbilaran at kasapi ng NMP Panel of Experts bukod sa mga simbahan ay may mga pook din sa Bohol na binibigyang pagpapahalaga ng simbahan at pamahalaan.

“Bukod sa mga lumang simbahan, kinikilala at pinahahalagahan din natin ang mga lumang tulay at watchtowers,” ani Fr. Torralba.

Sa tala ng National Commission for Culture and the Arts nasa 128 mga simbahan sa bansa ang kinilalang National Cultural Treasure, Important Cultural Property at National Historical Landmark kung saan sa nasabing bilang 21 ay matatagpuan sa Bohol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,689 total views

 17,689 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,703 total views

 67,703 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,572 total views

 63,572 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,594 total views

 99,594 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 107,374 total views

 107,374 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top