Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pantay ang dignidad ng mga bata at guro

SHARE THE TRUTH

 704 total views

Mga Kapanalig, tinatalakay ngayon sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong proteksyunan ang mga guro mula sa pagturing sa kanilang pagdidisiplina sa mga bata bilang pang-aabuso.  

Itinuturo nila ang Republic Act No. 7610 of 1992 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, gayundin ang Department of Education Child Protection Policy, na umano’y nagtuturing sa pagdidisiplina bilang child abuse. Linawin nating ang layunin ng mga patakarang ito ay bigyang-proteksyon ang mga bata, hindi ang ilagay sa alanganin ang mga guro. 

Dininig ng House Committee on Basic Education and Culture ang tatlong panukalang batas na poproteksyunan daw ang mga guro laban sa umano’y maling akusasyon ng pang-aabuso. Sabi ng Alliance of Concerned Teachers, may mga pagkakataong sinasampahan ng kaso ang mga guro dahil lamang sa pagdisisiplina sa mga bata. Kailangan daw proteksyunan ang mga guro dahil “sweeping” daw ang depinisyon ng pang-aabuso sa kasalukuyang batas. Para sa mga may-akda ng mga panukalang batas, maaaring ang layunin ng guro ay pagdidisiplina pero ginagamit ang batas para ituring itong pang-aabuso.  

Dagdag naman ng Teachers’ Dignity Coalition, dahil daw sa kasalukuyang batas, lahat na lang daw ng uri ng pagdidisiplina ay maaaring maikategorya bilang child abuse na maaaring mauwi sa panghihiya, paninikil, at pagpapakulong sa mga guro kahit na walang batayan ang akusasyon. Maaari din daw itong gamitin laban sa mga guro kahit na isang maliit na pagkakamali lang ang nagawa niya o kahit na ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin. Ang mga guro daw ang nakakaawa kapag sila ay nakasuhan dahil maaapektuhan nito ang kanilang retirement pay 

Narinig ng Kamara ang panig ng mga guro sa diskusyong ito, ngunit mapakinggan din sana nila ang mga nagsulong ng RA 7610—ang mga child rights advocates at ang mga bata mismo. Hindi layunin ng RA 7610 at ng DepEd Child Protection Policy na patunayan kung kaninong dignidad ang mas matimbang o kung sino ang mas nararapat bigyang-proteksyon. Ang hinihingi ng mga patakarang ito ay ang pag-iwan sa mga nakasasakit na paraan ng pagdidisiplina—pisikal man, emosyonal, o mental na pananakit. Hinihimok ng mga ito ang mga guro, bilang mga magulang sa loob ng paaralan, na iwasang manakit at sa halip ay gumamit ng mga positibong pamamaraan ng pagtutuwid sa pagkakamali ng mga mang-aaral. Ayon nga sa National Baseline Study on Violence Against Children, 14% ng mga batang Pilipino ang nakaranas ng pananakit sa loob ng paaralan mula sa kanilang mga guro. Kabilang sa mga ito ang pangungurot, pambabato ng eraser, pamimingot sa tainga, at pamamalo gamit ang kamay. Gusto pa ba nating magpatuloy ang mga pananakit na ito? 

Hinihiling ng mga gurong kilalanin ang dignidad nila bilang mga tagapagturo. Dapat lamang. Ngunit hinihiling din ng batas na kilalanin ang dignidad ng bawat bata at ang karapatan nilang maproteksyunan mula sa pananakit. Ang mga bata ay nasa proseso pa lamang ng kanilang pag-unlad at paglaki. Hindi pa nila lubusang nauunawaan ang mga nangyayari sa kanilang paligid, kaya mahalaga ang papel ng mga guro upang ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng mabuting asal at pagrespeto sa kanilang kapwa—matanda man o bata.  

Mga Kapanalig, gaya ng sinabi ni Pope Francis, laging dala ng mga batang nasaktan o naabuso ang karanasang ito at hindi ito mabubura kailanman.4 Huwag na nating ituring ang pananakit bilang natatanging paraan, o ‘di kaya’y unang hakbang, ng pagdidisiplina. Sabi nga sa Mga Kawikaan 22:6, “ituro sa mga bata ang daang dapat niyang lakaran at hanggang sa paglaki’y ‘di niya ito malilimutan.” Gusto ba nating pananakit at karahasan ang maitanim sa isip mga bata hanggang sa kanilang paglaki? 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,664 total views

 27,664 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,764 total views

 35,764 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,731 total views

 53,731 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,776 total views

 82,776 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,353 total views

 103,353 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,665 total views

 27,665 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 35,765 total views

 35,765 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,732 total views

 53,732 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,777 total views

 82,777 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 103,354 total views

 103,354 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,726 total views

 86,726 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,507 total views

 97,507 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,563 total views

 108,563 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,425 total views

 72,425 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,854 total views

 60,854 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,076 total views

 61,076 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,778 total views

 53,778 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,323 total views

 89,323 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 98,199 total views

 98,199 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 109,277 total views

 109,277 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top