Bishop Santos, tiwalang hindi papayagan ng taga-Bataan ang pagbuhay sa BNPP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,941 total reads

Tiwala si out-going Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos na patuloy na maninindigan ang mga taga-Bataan na ipaglaban ang pangangalaga sa kalikasan mula sa mapanganib na enerhiya. Ayon kay Bishop Santos-na pamumunuan ang Diocese ng Antipolo sa susunod na dalawang buwan, hindi siya nababahala na iwan ang lalawigan bagama’t patuloy na tinatalakay sa kongreso ang muling pagbuhay ng nuclear power plant.

Ang hakbang ay una na ring tinututulan ni Bishop Santos dahil sa pinsalang magiging dulot sa mga residente gayundin sa kapaligiran. Sinabi na obispo na hindi siya nababahala lalo’t nagkakaisa ang pamayanan ng Bataan at pamahalaang panlalawigan sa pagtutol sa panukalang rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant na sinusuportahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

bilang pagkukunan ng murang kuryente. “it is already in the mind and the heart of the diocese and of the province. Nothing to worry, at ipagpapatuloy ng kung sino man. At sapagkat ang maganda ay nagkakaisa ang simbahan at government.,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Taong 2016 nang ipag-utos ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng Nuclear Energy Program bilang pagkukunan ng kuryente at taong 2022 nang lagdaan ang executive order 164 kung saan kabilang ang mungkahi sa muling pagsasaayos at paggamit ng BNPP.

Bukod kay Bishop Santos, tutol din si Bataan Governor Albert Garcia sa panukala sa halip ay iminungkahi na gamitin ang 50-taong gulang na pasilidad bilang cloud-computing at data storage facility.

Si Bishop Santos ay namuno sa diyosesis ng Balanga sa loob ng 13-taon at itinalaga bilang obispo ng Antipolo na kahalili ng nagretirong si Bishop Francisco de Leon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 160,612 total reads

 160,612 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 232,910 total reads

 232,910 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 266,357 total reads

 266,357 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 301,655 total reads

 301,655 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 521,840 total reads

 521,840 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top