Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Proteksyon sa coastal areas at marine resources, panawagan ni Senator Villar

SHARE THE TRUTH

 5,465 total views

Inihayag ni Senator Cynthia Villar na dapat paigtingin ng mamamayan ang pangangalaga at proteksyon sa coastal areas at marine resources sa bansa.

Sinabi ng mambabatas na chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, na mahalagang mabigyang proteksyon ang karagatan at wetlands lalo’t isang archipelago ang Pilipinas na pinanahanan ng iba’t ibang yamang dagat.

“It becomes all the more important given that the Philippines is an archipelago endowed with vast coastal and ocean resources, including critical habitats, mangroves, coral reefs, seagrass beds, seascapes, and endangered and vulnerable marine flora and fauna, all of which provide both economic and ecological benefits for the present and future generations.” bahagi ng pahayag ni Villar.

Bagamat batid ni Villar ang pagtugon sa pangangailangan ng lumalagong populasyon ng bansa hindi dapat isasantabi ang pangangalaga sa karagatan at labanan ang anumang uri ng reclamation projects na makasisira sa karagatan gayundin sa kabuhayan ng mamamayan.

Tiniyak ng mambabatas ang proteksyon sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park (LPPWP) sa planong reclamation na makasisira sa ecological function ng lugar.

Sa pag-aaral ng National Fisheries Development Institute maraming fish eggs ang matatagpuan sa pangunahing wetlands sa Kamaynilaan tulad ng Pasay, Parañaque, Las Piñas, Taguig,Pateros and Muntinlupa, CAMANAVA ( Caloocan, Malabon, Navotas, and Valenzuela) at Bulacan kung saan ito ang nangungunang nagsusuplay ng isda sa National Capital Region.

“I am very determined to stop these proposed reclamation projects that threaten the survival of this protected area. We should remember that it is within wetlands like the LPPWP that life in our oceans begins. They are the nursery grounds for many marine species that end up on our plates.”ani ng mambabatas.
Sa datos ng Philippine Reclamation Authority nasa 22 ang reclamation projects sa Manila Bay kung saan kalahati nito ang sinimulan na habang 30 iba pang proyekto sa labas ng Manila Bay.

Matatandaang noong 2021 kinundena ng grupo ng mangingisda ang ang kompanyang nakakuha ng environmental certificate compliance para magsagawa ng seabed quarry sa mahigit dalawang libong ektaryang karagatan sa Ternate at Naic Cavite.
Mariin ang panawagan ng simbahang katolika na magkaisa ang mamamayan sa pagprotekta sa kapalilgiran at sa likas na yaman alinsunod sa panawagan ni POpe Francis sa ensiklikal na Laudato Si.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 26,574 total views

 26,574 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,674 total views

 34,674 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,641 total views

 52,641 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,698 total views

 81,698 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 102,275 total views

 102,275 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,100 total views

 5,100 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,707 total views

 10,707 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,862 total views

 15,862 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top