Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 437 total views

Kapanalig, nabalitaan mo na ba ang World Happiness Report? Sampung taon na umiiral ng index o sukatan na ito. Marami na ngayon ang nagsasabi na para matawag na matagumpay ang isang bansa, ang tamang sukatan ay ang kasiyahan ng kanilang mamamayan. Paano ba sinusukat ang kasiyahan ng mamamayan?

Ayon sa report, ang natural na paraan upang malaman kung masaya ang mamamayan ay ang tanungin sila kung gaano sila kakuntento sa kanilang buhay. Ang mga mamamayan, magiging masaya at kuntento, kung sila ay malusog, maunlad, at may social support system. Para malaman din masaya ang lipunan, kailangan din natin tingnan ang umiiral na mga hamon, kagipitan, o “misery” sa lipunan. Kapag kinikilala ng isang pamahalaan na ang “happiness” ng mga mamamayan bilang goal o layunin, mas makakabuti para sa lahat dahil hindi lamang ito tututok sa economic well-being ng mga tao, mapapa-prayoridad nito ang over-all well-being ng lahat. Dito mas mararamdaman natin lahat ang work-life balance, ang pagtutok sa mental health ng lahat, at ang importansya ng pamilya.

Ayon sa 2023 World Happiness Report, ang Finland ang pinakamasaya. Sa loob ng anim na taon, sila ang laging nangunguna. Sumunod dito ay ang mga bansang Denmark, Iceland, Sweden, at Norway – mga Nordic countries. Ang Pilipinas, pang 76th naman, bumagsak mula sa 60th noong 2022.

Mainam sana na maging layunin ng pamahalaan ang kaligayahan ng bawat Filipino. Mas makahulugan at mas tutok ang mga serbisyo kapag ito ang sukatan at target ng bawat pinuno. Kaya lamang, kailangan maging mabusisi tayo dito dahil ang Filipino masayahin pero matiisin. Bigyan mo lang ng konti, mabilis sila mapaligaya. Minsan, bulag na nga tayong magmamahal sa mga pinuno natin. Akala natin, tama na ang minsanang pagdalaw sa atin tuwing election campaign. Tuwang tuwa na tayo non. Akala natin, kapag nag donate sa ating mga pa-liga, o di kaya dumating sa piyesta, okay na rin yun. Masaya na tayo non. Akala natin, kapag, nagdonate sila sa binyag, kasal o libing, malaking bagay na yun. Kaya lamang kapanalig, sa ganitong mga pagkakataon, hindi layunin ng mga ganitong pinuno ang kaligayahan natin. Kaligayahan nila ang target nila kapag nararamdaman lamang natin sila tuwing ganitong mga okasyon.

Kapanalig, ang dasal nga natin ay sana, tayo naman ang maging pinaka-happiest country in the world. Yung tunay na kaligayahan, kapanalig, ha, at di lamang yung panandalian. Para mangyari yan, kailangan natin ng malalim na pagbabago, sa puso ng bawat mamamayan at ng bawat pinuno. Sa hanay ng ating mamamayan, kailangan nating matutong kilatisin kung sino ba ang tunay na naghahangad ng kaligayahan ng bawat Filipino. At sa hanay ng mga pulitiko, kailangan nila na tunay, at taos-pusong hangarin ang kagalingan at tunay na kasiyahan ng mga mamamayan. Sabi nga sa Rerum Novarum: Ang pinakamahalagang tungkulin ng mga pinuno ng Estado ay dapat na tiyakin na ang mga batas at institusyon, ang pangkalahatang katangian at pangangasiwa ng bansa, ay naglalayon na matamo ang kagalingan ng bawat mamamayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 46,517 total views

 46,517 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 46,517 total views

 46,517 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 46,517 total views

 46,517 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 45,079 total views

 45,079 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 41,170 total views

 41,170 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 46,518 total views

 46,518 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 46,518 total views

 46,518 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 46,518 total views

 46,518 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 45,080 total views

 45,080 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top