LASAC, nakahanda na sa pagtaas ng aktibidad ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,146 total reads

Nakahanda na ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) sa posibleng pagtaas ng aktibidad ng Taal Volcano.

Ayon kay LASAC Program Officer Paulo Ferrer, kasalukuyang nasa Alert Level 1 status ang Bulkang Taal kaya’t patuloy itong binabantayan katuwang ang Philippines Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Pagbabahagi ni Ferrer na kapag itinaas sa Alert Level 2 ang bulkan ay agad na itataas sa Code Blue ang operasyon ng LASAC na nangangahulugang 50 porsyento ay ilalaan para sa pagtugon sa sakuna.

“Once Code Blue, 50% ng operation is concentrated for the Emergency Operations Center; replenishment of stockpiled food and non-food items; organizational measures such as EOC organizational chart will be followed.” ayon kay Ferrer sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi naman ni Ferrer na maliban sa mga namamahala sa palaisdaan ay wala nang ibang residenteng naninirahan sa Taal Volcano Island (TVI) magmula nang ipagbawal ng PHIVOLCS ang pagpasok at pamamalagi rito na bahagi ng Permanent Danger Zone.

“Wala nang nakatira sa TVI. Ang mga naka-stay na lamang na fish pen operators ang nandoon para maglagay ng pakain sa isda on a daily basis.” saad ni Ferrer.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naitala ang volcanic tremor sa paligid ng bulkan na nagpapatuloy simula alas-6:35 ng Hunyo 2, 2023, gayundin ang 9,391 toneladang sulfur dioxide na nagdudulot ng volcanic smog o vog.

Pinaalalahanan naman ng LASAC ang mga residenteng nasa paligid ng bulkan na gumamit ng N95 facemask bilang proteksyon sa vog; uminom ng maraming tubig para maiwasan ang iritasyon sa lalamunan at manatili na lamang sa loob ng mga tahanan para malimitahan ang pagkakalantad sa vog.

Patuloy naman ang panawagan ng Archdiocese of Lipa na maging mas mapagmatyag at handa, gayundin ang pananalangin ng Oratio Imperata kaugnay sa mga aktibidad ng Bulkang Taal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 34,447 total reads

 34,447 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 70,297 total reads

 70,297 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 124,132 total reads

 124,132 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 185,991 total reads

 185,991 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 253,731 total reads

 253,731 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 49,405 total reads

 49,405 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top