Cardinal Zuppi, iuulat kay Pope Francis ang resulta ng pakikipagpulong sa Ukraine officials

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,986 total reads

Ilalahad ni Italian Episcopal Conference President Cardinal Matteo Maria Zuppi sa Santo Papa Francisco ang mga natalakay sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng Ukraine.

Kamakailan ay nagtungo sa Ukraine ang cardinal bilang kinatawan ng Santo Papa upang makipagpulong hinggil sa kalagayan ng bansa na patuloy nakararanas ng karahasan sa mahigit isang taong digmaan sa pagitan ng Russia.

Sa pahayag ng Vatican makatutulong ang resulta ng pulong sa paggawa ng hakbang ng simbahang upang matulungang mawakasan ang digmaang labis nakakaapekto sa pamayanan lalo na sa kabataan.

“The results of such talks will certainly be useful to evaluate the steps to continue to be taken both at the humanitarian level and in the search for paths to a just and lasting peace.” pahayag ng Holy See.

Matatandaang May 13 nakipagpulong si Ukraine President Volodymyr Zelenskyi kay Pope Francis sa Vatican at hiniling ang suporta sa pagkakamit ng kapayapaan sa Ukraine.

Sa datos ng UN High Commissioner for Human Rights mula nang sumiklab ang hidwaan ng dalawang bansa nasa 24 na libong Ukrainian ang apektado kung saan halos siyam na libo rito ang nasawi at 15-libo ang nasugatan.

Bago bumalik sa Roma nag-alay ng mga panalangin si Cardinal Zuppi sa ancient church of Santa Sophia.

Ang cardinal ay bahagi ng Sant’ Egidio Community sa Roma na aktibo sa justice and peace group na naging instrumento sa pagwawakas ng digmaan sa African region at civil war sa Mozambique noong 1992.

Patuloy ang panawagan ni Pope Francis sa mamamayan na ipanalangin ang pagkakamit ng kapayapaan ng Ukraine at Russia maging sa mga bansang may digmaan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 49,787 total reads

 49,787 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 169,741 total reads

 169,741 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 255,109 total reads

 255,109 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 301,849 total reads

 301,849 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 349,716 total reads

 349,716 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 445,424 total reads

 445,424 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top