16-bilyong piso, na-avail na cash loans ng PAG-IBIG members sa 1st quarter ng taong 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,749 total views

Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund na mahigit sa kalahating milyong Pilipino ang natulungan sa programa ng institusyon sa unang bahagi ng 2023.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar halos 16 na bilyong piso ang naipamahagi ng ahensya sa mga miyembrong nag-avail ng cash loans para sa kanilang pangangailangan.

“We at Pag-IBIG Fund exert all efforts in providing our members with assistance on their financial needs. We are happy to note that through our Pag-IBIG Multi-Purpose Loan, we were able to aid more than 700 thousand Filipino workers gain added funds to tend to their needs.” bahagi ng pahayag ni Acuzar.

Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta na mahigit sa dalawang milyong kasapi ng institusyon ang umaasa sa Multi-Purpose Loan para matugunan ang kanilang agarang pangangailangan.

Dahil dito gumawa ng hakbang ang pamunuan para pabilisin ang proseso ng pag-apply ng MPL at iba pang programa ng ahensya sa pamamagitan ng mahigit 200 branches ng tanggapan sa buong bansa, online facility na Virtual Pag-IBIG na matatagpuan sa website; nito at ang Virtual Pag-IBIG mobile app.

“More than being a reliable source for cash, our MPL is now more accessible to members.” ani Acosta.

Sa nasabing programa maaaring makahiram ang mga miyembro ng hanggang 80 porsyento sa kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Savings na mula sa buwanang kontribusyon.

Maaari itong bayaran sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon sa mababang interes na 10.5 percent kada taon.

Sa mga nakalipas na taon mahigit na sa 90 porsyentong kita ang naibalik sa 15 milyong miyembro ng Pag-IBIG Fund sa pamamagitan ng dividendo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 61,333 total views

 61,333 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 70,697 total views

 70,697 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 97,153 total views

 97,153 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 145,343 total views

 145,343 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 146,177 total views

 146,177 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top