San Isidro Labrador, lay empowerment model

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,098 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng San Isidro Labrador Parish – Makiling na gagampanan ang tungkuling ipalaganap ang debosyon ni San Isidro Labrador sa pamayanan.

Ayon kay Fr. Francis Eugene Fadul, Kura Paroko ng parokya na kaakibat ng pagtanggap sa first class relic ng santo ang responsibilidad na ibahagi ito sa pamayanan upang makatulong sa pagpalago ng pananampalataya ng mamamayan.

Kabilang sa mga gagawin ng parokya ang pagbahagi ng buhay ni San Isidro upang higit makilala ang santo at maging huwaran sa pamayanan.

“Receiveing this relic, we also have the responsibility of sharing the devotion, nung nabasa ko ang kanyang buhay yun ang mga nakita ko na si San Isidro is a model of a faithful Christian; He is a model of lay empowerment kahit layko may magagawa ka sa simbahan.” pahayag ni Fr. Fadul sa Radio Veritas.

Matatandaang isa ang parokya ni Fr. Fadul sa dalawang simbahan sa Pilipinas na pinagkalooban ng first class relic ng santo mula sa Real Colegiata Iglesia de San Isidro sa Madrid Spain.

Sinabi ng Pari na bukod sa pagbabasbas ng mga ani na nakagawian sa pista ng santo tuwing May 15 ay pagyayabungin din ng parokya ang kawanggawa sa mga mahihirap at mga manggagawa kasabay ng katesismo tungkol sa mga gawain ni San Isidro Labrador.

“It is now our mission to help these workers and to share with them yung virtues ni San Isidro na hindi lang kayo nagtatrabaho para mabusog ang tiyan kundi yang pagtatrabaho nyo is also a means to become holy.” ani Fr. Fadul.

Ikinagalak ng pari na mapabilang ang parokya sa pinagkalooban ng relikya lalo’t naghahanda ito sa ika – 25 anibersaryo ng pagkatatag sa 2025.

Nagsagawa ng triduo ang parokya para sa mahalagang pagdiriwang ng simbahan na sinimulan noong 2022 kung saan nakabatay ang tema sa tatlong misyon ni Hesus: Pari, Hari at Propeta.

Makabuluhan ang pagdiriwang ng anibersaryo ng parokya lalo’t kasabay ito sa Jubilee Year ng simbahang katolika o ang Year of Hope.

Si San Isidro Labrador ay pumanaw noong November 30, 1172 at naging ganap na santo ng simbahan noong March 12, 1622 kasama nina San Ignacio de Loyola, San Francisco Javier, Santa Teresa ng Avila at San Felipe Neri.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 11,853 total reads

 11,853 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 21,018 total reads

 21,018 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 136,796 total reads

 136,796 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 257,376 total reads

 257,376 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 306,566 total reads

 306,566 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top