Ibalong festival, ipinagpaliban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,449 total reads

Ipagpapaliban muna ng Legazpi City Government ang 2023 Ibalong Festival bunsod ng patuloy na banta ng pagsabog ng bulkang Mayon.

Ayon kay Ibalong Executive Committee chairman, Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal, napagkasunduan ng kalupunan na ipagpaliban muna ang pagdiriwang na gagaganapin sa August 11 hanggang 20, para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Sinabi ng alkalde na alinsunod sa deklarasyon ng state of calamity sa buong lalawigan ng Albay, ang pondong nakalaan sa Ibalong Festival ay gagamitin bilang karagdagang tulong sa mga apektado ng sakuna.

“With the Province of Albay under a State of Calamity, the funds intended for the 2023 Ibalong Festival will be used to ensure that the City Government will have enough resources to cater to the needs of our constituents should the worst possible scenario occur.” ayon kay Rosal.

Ang Ibalong festival ay isang cultural, historical at sports festival upang ipagdiwang ang pagkakatatag ng Bicol na nakapaloob sa epiko ng Ibalong na nilikha bago ang pananakop ng mga kastila.

Karaniwang bahagi ng pagdiriwang ang Mayon Trail Run na isinasagawa sa bahagi ng Mayon Volcano partikular na sa gullies o kanal na dinaanan ng lava mula sa mga nakalipas na pagsabog ng bulkan.

Bagamat magandang pagkakataon upang muling maranasan ang kasiyahan sa taunang pagtitipon, iginiit ni Rosal na hindi dapat isantabi ang kaligtasan ng lahat mula sa pinangangambahang pagsabog ng Bulkang Mayon.

“Let us all remain vigilant and steadfast in praying that we overcome this crisis as one community.” ayon kay Rosal.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kung saan naitala ang mabagal na pagdaloy ng lava na may habang 2.5 kilometro sa Mi-isi Gully, at 1.8 km sa Bonga Gully, habang umabot naman sa 3.3 km ang pagguho nito.

Maliban dito’y naiulat din ang isang volcanic earthquake, 301 ang rockfall events, at dalawang pyroclastic density currents.

Sa kasalukuyan, umabot na sa halos 20-libong indibidwal ang nailikas mula sa 6-kilometer permanent danger zone at nanunuluyan sa 25 evacuation centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 183,613 total reads

 183,613 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 254,498 total reads

 254,498 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 287,947 total reads

 287,947 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 323,246 total reads

 323,246 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 542,403 total reads

 542,403 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,005 total reads

 161,005 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top