Panalangin para sa kalayaan ni Mary Jane Veloso, muling panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,899 total reads

Humiling ng panalangin at suporta ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang magawaran ng clemency si Mary Jane Veloso.

Ito ang mensahe ni CBCP Migrants Ministry Vice Chairman, Antipolo Bishop-designate Ruperto Santos kasunod ng paggawad ng clemency sa tatlong Pilipino sa United Arab Emirates.

Ayon kay Bishop Santos nawa’y umusad na rin ang paglaya ni Veloso na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia dahil sa drug smuggling noong 2010.

“That’s a truly humanitarian call and very compassionate act of our President BBM. Let us support his appeal, pray hard that in the name of mercy the Indonesian government would grant clemency to MJ Veloso. She has suffered long enough with her imprisonment. And with her health problem she should be much attended to, medical care and charitable measures given,” pahayag ni Bishop Santos.

Kamakailan ay ginawaran ng clemency ni UAE President Mohamed bin Zayed Al-Nahyan ang tatlong OFW kung saan dalawa rito ay nahatulan ng kamatayan dahil sa drug trafficking habang ang ikatlo naman ay nahatulan ng 15 taong pagkabilanggo dahil sa kasong slander.

Dalangin ni Bishop Santos na magbunga ang pagsisikap ni Pangulong Marcos Jr. sa pakikipag-ugnayan kay Indonesian President Joko Widodo sa pagpapalaya ni Veloso sa kabila ng paninidigan nitong sundin ang batas ng Indonesia.

“We pray for her recovery and clemency for MJ, offer our prayers for her healing, clemency and coming home to us. May our almighty God touch the hearts of those people and decide what is beneficial and do what is best for MJ, that is, her safety and vindication,” dagdag pa ng obispo.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs 83 OFW ang nasa death row kung saan 56 sa Malaysia habang iba rito ay sa United Arab Emirates, Saudi Arabia, Indonesia, Maldives, Sri Lanka, China, Vietnam, USA, Japan at Brunei.

Umaasa ang obispo na mabigyang pagkakataon ang mga nasa death row na makapagbagong buhay at makauwi ng ligtas sa Pilipinas upang makapiling ang kanilang pamilya.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 45,142 total reads

 45,142 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 158,093 total reads

 158,093 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 243,463 total reads

 243,463 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 290,201 total reads

 290,201 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 338,069 total reads

 338,069 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 434,100 total reads

 434,100 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top