Kawani, opisyal ng pamahalaan; dapat maging huwaran sa laban sa illegal drugs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,554 total views

Iginiit ni Interior Secretary Benhur Abalos na patuloy ang pamahalaan sa kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay Abalos, maging ang mga opisyal ng pamahalaan ay isasailalim sa random drug testing upang matiyak na malinis ang mga ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“We have to make a statement. We are going to show our people that the government is serious about this war on drugs. There will be house cleansing, and no one will be spared,” pahayag ni Abalos.

Inihayag ito ng kalihim kasabay ng paggunita sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking or World Drug Day 2023 na may temang People first: Stop stigma and discrimination, strengthen prevention.

Hinimok ni Abalos ang pamahalaan lalo na ang law enforcement agencies na maging huwaran sa pagpapalaganap ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Magugunitang inanunsyo ng kalihim ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga tanggapan ng DILG, mga ahensya, at lokal na pamahalaan bilang bahagi ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program.

“Everyone has a role in this fight. We will increase awareness against the use of illegal drugs, strengthen our community-based drug rehabilitation program, empower the youth, engage with the business sector, and promote an active lifestyle,” saad ni Abalos.

Hindi bababa sa 50 pulis ang sinampahan ng kasong kriminal at administratibo dahil sa mga iregularidad sa pagkakasabat ng P6.7 bilyong halaga ng ipinagbabawal na gamot noong Oktubre 2022.

Sa kasalukuyan, kabilang sa mga itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilegal na droga ang shabu, cocaine, marijuana, ecstasy, at solvent.

Una nang inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco sa bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 31,609 total views

 31,609 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 64,691 total views

 64,691 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 93,042 total views

 93,042 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 160,773 total views

 160,773 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 181,708 total views

 181,708 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top