Panalangin para sa kalayaan ni Mary Jane Veloso, muling panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,765 total views

Humiling ng panalangin at suporta ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang magawaran ng clemency si Mary Jane Veloso.

Ito ang mensahe ni CBCP Migrants Ministry Vice Chairman, Antipolo Bishop-designate Ruperto Santos kasunod ng paggawad ng clemency sa tatlong Pilipino sa United Arab Emirates.

Ayon kay Bishop Santos nawa’y umusad na rin ang paglaya ni Veloso na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia dahil sa drug smuggling noong 2010.

“That’s a truly humanitarian call and very compassionate act of our President BBM. Let us support his appeal, pray hard that in the name of mercy the Indonesian government would grant clemency to MJ Veloso. She has suffered long enough with her imprisonment. And with her health problem she should be much attended to, medical care and charitable measures given,” pahayag ni Bishop Santos.

Kamakailan ay ginawaran ng clemency ni UAE President Mohamed bin Zayed Al-Nahyan ang tatlong OFW kung saan dalawa rito ay nahatulan ng kamatayan dahil sa drug trafficking habang ang ikatlo naman ay nahatulan ng 15 taong pagkabilanggo dahil sa kasong slander.

Dalangin ni Bishop Santos na magbunga ang pagsisikap ni Pangulong Marcos Jr. sa pakikipag-ugnayan kay Indonesian President Joko Widodo sa pagpapalaya ni Veloso sa kabila ng paninidigan nitong sundin ang batas ng Indonesia.

“We pray for her recovery and clemency for MJ, offer our prayers for her healing, clemency and coming home to us. May our almighty God touch the hearts of those people and decide what is beneficial and do what is best for MJ, that is, her safety and vindication,” dagdag pa ng obispo.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs 83 OFW ang nasa death row kung saan 56 sa Malaysia habang iba rito ay sa United Arab Emirates, Saudi Arabia, Indonesia, Maldives, Sri Lanka, China, Vietnam, USA, Japan at Brunei.

Umaasa ang obispo na mabigyang pagkakataon ang mga nasa death row na makapagbagong buhay at makauwi ng ligtas sa Pilipinas upang makapiling ang kanilang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 58,362 total views

 58,362 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 67,726 total views

 67,726 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 94,182 total views

 94,182 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 142,475 total views

 142,475 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 143,526 total views

 143,526 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top