BFP-HQ, binisita ng imahe ng Birhen ng Lourdes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,384 total reads

Nawa ay makasumpong ng kagalingan ang mga may karamdaman ng pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.

Ito ang mensahe ni Fr. (FSInp) Raymond Tapia-Post Chaplain Bureau of Fire Protection sa pagdalaw ng imahe ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa BFP National Headquarters sa Quezon City.

Ang pagbisita ay bilang bahagi ng pagdiriwang kapistahan ng Our Lady of Perpetual Help.

Sinabi ni Fr. Tapia na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga kawani ng BFP lalo na sa pagtupad ng tungkuling nangangalaga sa ari-arian at buhay ng mamamayan ay maranasan ng bawat isa ang kalakasan at paghihilom.

“Ang pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Lourdes dito sa BFP ay isang pagpapala ng Diyos, sa aming mga tagapamatay sunog lalo na ang mga nasa field na kadalasang nakararanas ng sakit hindi lang naman physical wounds but also psychological and spiritual,” pahayag ni Fr. Tapia sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng opisyal na sa pagdalaw ng Mahal na Ina ay ipinagkaloob ng Panginoon ang pagpapala at kagalingang ninanais ng mga may karamdaman.

Pinangunahan ni Fr. Tapia ang Banal na Misa sa pagtanggap ng imahe kung saan dumalo ang mga opisyal at kawani ng BFP kasabay ng pagkakataong makapiling ang relikya ni St. Bernadette Soubirous ang santong pinagpakitaan ng Mahal na Birhen sa Lourdes, France.

Naniniwala si Fr. Tapia na sa tulong ng mga panalangin ng Mahal na Ina ay magabayan ang bawat isa tungo sa landas ni Hesus at higit mapag-alab ang damdamin ng mga pinanghihinaan.

“Sa pagdalaw ng Mahal na Birhen tayo ay binibigyan ng Diyos ng kagalingan sapagkat akoy naniniwala sa milagro sa pamamagitan ng mga panalangin ng Mahal na Ina kaming mga taga BFP ay makararanas ng kabaitan at pagmamahal ng Dyos kagalingan sa mga may karamdaman at higit sa lahat sa mga taong nanghihina ang pananamapalataya ay lumago sa tulong ng Mahal na Birhen,” saad ng opisyal.

Ito ay bahagi ng inisyatibo ng chaplain service sa pagpapalakas ng espiritwalidad ng mga kawani ng BFP na naglilingkod sa mga pamayanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 45,121 total reads

 45,121 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 158,061 total reads

 158,061 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 243,431 total reads

 243,431 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 290,169 total reads

 290,169 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 338,037 total reads

 338,037 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 434,068 total reads

 434,068 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top