Bishop Mesiona, tiwalang masasalba sa polusyon ang tatlong look sa Puerto Princesa city

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,805 total reads

Umaasa si Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona na lalung mapangalagaan ng inisyatibo ng Puerto Princesa city government ang tatlong anyong tubig sa lungsod.

Ito’y ang Save Our Bays project na layong pangalagaan ang Ulugan Bay, Honda Bay, at ang Puerto Princesa Bay mula sa lumalalang epekto ng polusyon.

Ayon kay Bishop Mesiona, nawa’y sa pamamagitan ng proyekto ay maging kasangkapan ang lahat upang maisakatuparan ang layuning pangalagaan ang kalikasan para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

“Pangalagaan natin ang likas na yaman dahil biyaya ito ng Diyos hindi lamang para sa atin, sa kasalukuyan, kung hindi para din sa susunod pang mga henerasyon,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Saklaw ng tatlong malalaking bay ng Puerto Princesa City ang apat na coastal barangay na mayroong mataas na bilang ng populasyon.

Nakikita namang solusyon ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang paglilipat ng lugar o relokasyon ng mga naninirahan sa baybayin para na rin maiwasan ang panganib tuwing may kalamidad.

Balak ng pamahalaang lungsod na gamitin ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing o 4PH program ng Administrasyong Marcos upang makakuha ng 21 ektaryang lupa na pagtatayuan ng mga bahay para sa relokasyon.

Nakasaad sa Laudato Si’ na hinihikayat ng Santo Papa Francisco ang lahat na simulan sa pagbabago ng pamumuhay ang ecological conversion na makakatulong naman sa pagbabago ng pamayanan tungo sa adhikaing pangalagaan ang sangnilikha.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,799 total reads

 13,799 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 13,926 total reads

 13,926 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 24,984 total reads

 24,984 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 81,390 total reads

 81,390 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 204,891 total reads

 204,891 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 289,020 total reads

 289,020 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,523 total reads

 175,523 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top