Huwag matakot ibahagi ang mensahe ni Hesus, paalala sa bawat binyagan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,483 total views

Hinimok ng opisyal ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma ang mananampalataya na ipagpatuloy ang gawaing pagmimisyon ng mga apostol ni Hesus.

Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, tulad ng mga halimbawa nina Apostol San Pedro at San Pablo nawa’y maging masigasig ang bawat binyagang ipakilala si Hesus sa pamayanang kinabibilangan.

“Sana kagaya nina San Pedro, San Pablo at iba pang mga Apostles ay patuloy tayo sa misyon na ibigay at ipalaganap ang mensahe ni Hesus sa lipunan,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Umaasa ang Pari na maging halimbawa ang pagbabago ni San Pablo mula sa pagiging makasalanan at naging tagapagpahayag at nagpapakilala kay Hesus sa lahat ng dako ng daigdig lalo na sa mga pamayanang hindi nakakakikilala sa Panginoon.

Ikinalungkot ng pari ang pananahimik ng mananampalataya dahil sa maaring kulang sa kaalaman sa katesismo ng simbahan, kawalang interes sa misyon at ang pagiging takot na walang makikinig sa mga ipinahahayag tungkol kay Hesus.

Tinuran ni Fr. Gaston na maraming paraang maibahagi si Hesus sa kapwa tulad ng pagbabahagi sa mga kawanggawa ng simbahan, mga katolikong eskwelahan at institusyon gayundin ang mga gawain ng bawat parokya tulad ng feeding program, pabahay, edukasyon at pagkalinga sa mga inabandona.

“Napakaraming ginagawa ng ating simbahan na minsan nababalewala, nakakalimutan at inaatake tulad sa karanasan ng mga apostol, kaya patuloy nating ipakita at ipakilala sa lipunan ang mga gawaing ito,” ani Fr. Gaston.

Paalala ng opisyal na sa bawat ginagawa na kasama si Hesus ay makatutulong ito sa isang taong magbalik loob at magkaroon ng interes sa Panginoon sa pamamagitan ng mga halimbawang ipakikita.

Tuwing June 29 ay ipinagdiriwang ng simbahang katolika ang Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo ang dalawang apostol na nagtaguyod sa simbahang itinatag ni Kristo para mangalaga sa kawan ng Panginoon sa sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 7,894 total views

 7,894 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 31,053 total views

 31,053 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 52,328 total views

 52,328 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 224,551 total views

 224,551 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top