I-alay ang bawat kilos, salita at gawa sa Panginoon.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,946 total reads

Ito ang patuloy na paanyaya ng PasaLord Interfaith Prayer Movement sa bawat isa sa paggunita nito ng ika-6 na taong anibersaryo ng pagkakatatag nitong ika-6 ng Hulyo, 2023.

Ayon kay Lourdes “Nanay Bing” Pimentel – Founder at Lead Convenor ng PasaLord Prayer Movement, ang bawat isa ay patuloy na inaanyayahan ng Simbahan na ialay ang buhay at maging ang mga pasanin, problema at kalungkutan sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin.

“Let us all pray and make every day, every minute of your life and action, your words, your deeds should be dedicated to our Lord and that is another form of prayer.” Ang bahagi ng pahayag ni Pimentel.

Ipinaliwanag ni Pimentel na ang pagpapasa sa Panginoon o pag-aalay sa Diyos ng mga problema at pagsubok sa buhay ay isang paraan upang mapagaan ang pagharap sa mga hamon sa buhay at patuloy na magkaroon ng pag-asa ang bawat isa.

“Kapag may problema po lahat yan pasa kay Lord sapagkat kung sa tingin ninyo, sa pakiramdam ninyo may kasama kayo sa kahit na anong problema at paghihirap ay magaan po ang ating pagdadala ng ating buhay.” Dagdag pa ni Pimentel.

Taong 2017 ng nabuo ang PasaLord Interfaith Prayer Movement na naglalayong mapagbuklod ang buong bansa sa pananalangin at pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Pilipinas.

Kabilang sa partikular na ipinanalangin ng PasaLord Interfaith Prayer Movement ay ang paggabay ng Panginoon sa pagkakaroon ng mga lider ng bansa na may pambihirang kabutihan, katalinuhan at katwiran para sa mga gagawing mahahalang desisyon para sa bayan.

Taunan namang nagsasagawa ng Synchronized National Interfaith Prayer for the Philippines ang Pasalord Prayer Movement tuwing unang Huwebes ng buwan ng Pebrero.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,191 total reads

 44,191 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 156,087 total reads

 156,087 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,457 total reads

 241,457 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,195 total reads

 288,195 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 336,063 total reads

 336,063 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 432,181 total reads

 432,181 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top