Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Barya para sa mga manggagawa?

SHARE THE TRUTH

 665 total views

Mga Kapanalig, simula sa darating na Linggo, ika-16 ng Hulyo, ang mga minimum wage workers dito sa Metro Manila ay makatatanggap ng karagdagang ₱40 sa kanilang arawáng sahod. Mula sa ₱533 hanggang ₱570, itinaas ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang daily minimum wage sa ₱573 hanggang ₱610. Inaasahang nasa 1.1 milyong minimum wage earners sa Metro Manila ang makikinabang sa umento sa kanilang sahod.

Barya ito kung ituring ng Gabriela Women’s Party. Hindi nga raw kakasya ang ₱40 na pambili ng isang kilong bigas. Malayo pa rin ito sa tinatawag na living wage o ang sahod na sasapat para magkaroon ng desenteng standard of living ang isang manggagawa at ang pamilyang kanyang sinusuportahan. Ang living wage, sa kuwenta ng grupong IBON Foundation, ay nasa ₱1,160 kada araw.

Samantala, bagamat “welcome” para sa Federation of Free Workers (o FFW) ang taas-sahod, sinabi nilang nakadidismaya pa rin ito para sa mga manggagawa. Kulang daw ang kuwarenta pesos para makaagapay sila sa matataas pa ring presyo ng mga bilihin. Para naman sa Partido ng Manggagawa, ang makatwirang taas-sahod sana ay nasa isandaang piso.  

Gaya ng inaasahan, ikinabahala ng ilang grupo ng employers ang dagdag sa minimum wage sa Metro Manila. Makaapekto raw ito sa mga maliliit na negosyo, ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP). Bagamat susundin ng kanilang mga miyembro ang kautusang dagdagan ang sahod ng kanilang mga manggagawang minimum wage earners, ikinatatakot ng ECOP na may mga micro enterprises na hindi na magdadagdag ng tauhan o pipiliin na lang magsara. May mga nagsasabing ang pagtataas ng minimum wage sa Metro Manila ay magdudulot ng pagsipang muli ng inflation rate. 

Masalimuot ang usaping pasahod. Kailangang balansehin ang interes ng mga manggagawa at ng mga nag-e-empleyo. Sa isang banda, dapat lamang na makatanggap ang mga manggagawa ng sapat na sahod para sa trabahong kanilang ginagawa. Sa kabilang banda, kailangan din ng mga negosyo ang kumita upang patuloy silang makapagpasahod at makapagbigay ng trabaho.  

Ngunit sa kalagayan natin ngayon, bagamat sinasabi ng gobyernong sumisigla nang muli ang ating ekonomiya matapos ang matinding epekto ng pandemya, hindi maikakailang nahihirapan ang marami sa ating makaagapay sa mataas na presyo ng mga bilihin, pamasahe, tubig, kuryente, at maraming iba pa. At ito ang pangunahing dahilan kung bakit ayon sa survey ng Social Weather Stations, nasa 51% ng mga Pilipino ang nagsabing “mahirap” sila. Sa NCR, ang self-rated poverty ay nasa 40% o apat sa bawat sampung pamilya sa rehiyon.  

Matagal nang naninindigan ang Simbahan para sa pagkakaroon ng living wage ng mga manggagawa. Sa Catholic social teaching na Rerum Novarum na inilabas noon pang 1891, kinikilala ng Santa Iglesia ang karapatan ng bawat manggagawang tumanggap ng sahod na sapat para sustentuhan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Kung hindi kasi makasasapat ang sahod ng isang manggagawa para sa pangangailangan ng kanyang pamilya, mapipilitan silang maghigpit ng sinturon gaya ng hindi na pagkain nang sapat, paghinto sa pag-aaral ng mga bata, o hindi na lang gumastos para magpatingin sa doktor kung mayroong may sakit. Sa ibang pamilya naman, napipilitan ang mga ina at mga anak na maghanapbuhay para lamang mairaos ang isang araw.   

Mga Kapanalig, sa huli, ang mga patakaran tungkol sa sahod ng mga manggagawa ay dapat na alinsunod sa katarungan. Hindi ito dapat na idinidikta lamang ng tinatawag na market forces o ng kapritso ng mga nasa poder. Hindi natin dapat “ipagkait ang kaukulang bayad sa nangangailangang manggagawa,” wika nga sa Deuteronomio 24:14. Hindi barya ang katumbas ng dignidad ng mga manggagawa. Ang paggalang sa kanilang mga karapatan ang dapat na pundasyon ng ating ekonomiya. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 18,102 total views

 18,102 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 26,770 total views

 26,770 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 34,950 total views

 34,950 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 30,898 total views

 30,898 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 42,949 total views

 42,949 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 18,104 total views

 18,104 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 26,772 total views

 26,772 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 34,952 total views

 34,952 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 30,900 total views

 30,900 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 42,951 total views

 42,951 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,814 total views

 55,814 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,819 total views

 84,819 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,383 total views

 105,383 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 87,308 total views

 87,308 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 98,089 total views

 98,089 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 109,145 total views

 109,145 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 73,007 total views

 73,007 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,436 total views

 61,436 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,658 total views

 61,658 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,360 total views

 54,360 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top