Bishop Pabillo, umaapela ng suporta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,339 total reads

Umapela ng suporta ang Apostolic Vicariate of Taytay Palawan sa mamamayan para sa pagpapatapos ng St. Joseph Cathedral.

Ayon kay Taytay Bishop Broderick Pabillo 2008 nang simulan ang pagpapagawa sa cathedral ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos dahil sa kakulungang pinansyal.

Isa sa mga inisyatibo ng bikaryato ang paglulunsad ng Trip to Palawan for 2 raffle draw upang makalikom ng pondo sa pagpapagawa ng cathedral.

“Nananagan po kami sa Bikaryato ng Taytay Palawan na tulungan nyo po kami sa pag-build ng aming Cathedral; suportahan po ninyo ang aming initiative Trip to Palawan for 2 raffle,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ilulunsad ang programa sa July 15 na magtatagal hanggang December 15, 2023 habang ang mapapanalunan ay maaring gamitin sa pagitan ng January 2024 hanggang December 2024.

Nagkakahalaga ang ticket ng P1, 000 para sa limang kataong papalaring mananalo ng Trip to Palawan for 2.

2002 nang maitatag ang Bikaryato ng Taytay nang hatiin sa dalawa ang Apostolic Vicariate of Palawan; ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa na nangasiwa sa Central at Southern Palawan habang Northern Palawan naman ang sakop ng Apostolic Vicariate of Taytay.

Taong 2009 nang makakuha ng lupa ang bikaryato para pagtayuan ng cathedral sa pangunguna ni Bishop Emeritus Edgardo Juanich subalit dahil sa limitadong resources ng bikaryato hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling under construction ang cathedral.

Naantala ang pagpapagawa nito dahil sa pandemya at pananalasa ng bagyong Odette noong December 2021 sapagkat inunang tugunan ng simbahan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Sa taya ng mga nangasiwang engineers at architects aabot sa 90-milyong piso ang kakailanganing pondo upang matapos ang pagpapagawa ng dambana ng bikaryato.

Sa mga nais maging bahagi ng Trip to Palawan for 2 Raffle Draw makipag-ugnayan sa Chancery office ng bikaryato at sa tanggapan ni Bishop Pabillo sa numerong 0921-754-5457 at 0915-936-9752 para sa karagdagang detalye sa pagbili ng ticket.

Maari ring makipag-ugnayan sa Radio Veritas sa pamamagitan ni Norman Dequia sa 8925 – 7931 o sa 0918 463 3458.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 21,388 total reads

 21,388 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 4,037 total reads

 4,037 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 44,600 total reads

 44,600 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 72,414 total reads

 72,414 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 120,679 total reads

 120,679 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 142,608 total reads

 142,608 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top