Blasphemy act, pinuna ng opisyal ng CBCP… “May God have mercy on him”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,154 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na ang mga gawain sa banal na pagdiriwang ay pagkakataong makipag-ugnayan sa Panginoon.

Ito ang mensahe ni Commission on Liturgy Chairman, Capiz Archbishop Victor Bendico kaugnay sa paglapastangang ginawa ni Pura Luka Vega na nakasuot ng damit ng Panginoong Hesukristo sa isang party habang inaawit ang punk rock version ng ‘Ama Namin’.

Binigyang diin ni Archbishop Bendico na hindi katanggap-tanggap ang anumang uri ng pambabastos sa Panginoon sa halip ay dapat na isabuhay ang mga gawaing makapagpapabanal ng tao.

“May God have mercy on him. The sacred liturgy is a sacred celebration where God encounters his people thru his word and the sacraments. The liturgical celebrations of the Church should glorify God at hindi babastosin ang Dios. They are meant to sanctify people at hindi mambabastos ng mga tao.” pahayag ni Archbishop Bendico sa Radio Veritas.

Bagamat marami ang nagtatanggol kay Vega dahil isa itong uri ng sining, marami namang mamamayan ang umalma dahil ito isang paglapastangan at pambabastos sa mga kristiyano lalo’t mayorya sa mga Pilipino ay katoliko.
Iginiit ni Archbishop Bendico na kapiling ng tao ang Panginoong Hesus sa mga pagkakataong nagkakatipon sa banal na pagdiriwang kaya’t ang paggamit ng mga kasuotan at panalangin na hindi angkop sa pagdiriwang ay isang kalapastanganan.

“God is present there whenever the word of God is read, through the person of the minister, whenever people are gathered in His name and in the Body and Blood if Christ. These teachings alone of the Liturgical Constitution of Vatican 2 are clear indications that the liturgical celebrations should be respected. They are celebrations of the Church and not of individual persons who make fun of them to attract attentions. They glorify God and sanctify people.” giit ni Archbishop Bendico.

Kaugnay nito, dismayado naman si Bataan Representative Geraldine Roman sa ginawa ni Vega at iginiit na hindi makatutulong sa kanilang panawagan na igalang ang karatapan ng LGBT Community.

Kinundena rin ni Senator JV Ejercito na mariing kinundena ang ginawa ni Vega na maituturing ‘blasphemy act’ at kalabisan sa pagtatanghal ng sining.

Paalala ng simbahan sa mananampalataya na maging maingat sa paggamit ng pananampalataya sa mga gawaing pagtatanghal lalo’t ito ay may kaakibat na mga banal na gawain.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 6,872 total reads

 6,872 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 7,000 total reads

 7,000 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 13,298 total reads

 13,298 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 69,704 total reads

 69,704 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 193,205 total reads

 193,205 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 278,011 total reads

 278,011 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top