Pagbuo ng “safeguarding protocols on minors” sa lahat ng diyosesis, inaprubahan sa 126th CBCP plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,465 total views

Inihayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairperson ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ang pagpapaigting ng Simbahan sa pagtiyak ng kapakanan ng mga kabataan sa lipunan.

Sa programang Pastoral Visit On-Air ng Radio Veritas ay ibinahagi ni Bishop Bagaforo na kabilang sa mahahalagang usaping natalakay ng kalipunan ng mga Obispo sa naganap na 126th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong ika-8 hanggang ika-10 ng Hulyo, 2023 ang maselang usapin ng safeguarding o pagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga minor de edad sa bansa.

Ayon sa Obispo, bahagi ng bagong mandato ng Vatican ang pagkakaroon ng protocol ng bawat diyosesis sa tama at naaangkop na pagtugon sa anumang kaso ng pang-aabuso o pangmamaltrato sa mga kabataan.

“Napag-usapan namin ay medyo maselan na topic, iyong safeguarding. Alam mo kasi marami ng nangyayaring in other parts of the country yung mga sexual abuses, saka mga sexual harassments sa mga minors so dapat, ang mandato na bigay ng Vatican – ang bawat diocese ay may protocol, safeguarding protocol. In the event na merong mangyari dapat mayroon ng mga protocol to address it.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Una ng inihayag ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na kabilang sa naging talakayan at ibinahaging pagninilay ni Archbishop of Boston – Cardinal Sean O’Malley – President ng Pontifical Commission for the Protection of Minors sa retreat ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa ang pagtiyak ng kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan hindi lamang sa lipunan at pamayanan kundi maging sa mga parokya at mga Simbahan.

“He’s known of course as being the cardinal who is also the president or the head of the Pontifical Commission for the Protection of Young People, of minors. So he gave a very profound reflection on the importance of safeguarding in the church and making sure that our churches and the parishes and every church institution is really a safe environment for young people.” Pagbabahagi ni Archbishop Brown.

Naganap ang 126th Plenary Assembly ng CBCP sa Marzon Hotel sa Kalibo Aklan sa ilalim ng pangangasiwa at paghahanda ng Diocese of Kalibo na dinaluhan ng mahigit sa 80-obispo mula sa may 86 na diyosesis, arkidiyosesis, prelatura, at bikaryato sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 8,046 total views

 8,046 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 21,623 total views

 21,623 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 50,187 total views

 50,187 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 100,055 total views

 100,055 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 95,021 total views

 95,021 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top