Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 568 total views

Mga Kapanalig, nabalitaan ninyo siguro ang sunud-sunod na mga kontrobersiya tungkol sa 49 milyong pisong kampanya ng Department of Tourism (o DOT).  

Noong nakaraang buwan, inilunsad ng DOT ang tourism campaign nito, kasama ang bagong slogan upang makaakit ng mga turista sa bansa: “Love the Philippines.” Umani ito ng magkakaibang reaksyon. May mga natuwa sa rebranding ngunit mayroon ding nadismaya sa bagong slogan na anila’y wala raw dating. May mga nagsabi ring kapareho ito sa mga slogan ng ibang bansa na “Love Barbados” at “Love Cyprus”, o kaya sa “Live Love Liloan” kung saan naging alkalde ng munisipalidad si DOT Secretary Christina Frasco.  

Matapos ang ilang araw, inulan naman ng batikos ang promotional video na inilabas ng DOT. Gumamit ito ng stock footage na nagpapakita ng mga tanawin sa Thailand, Indonesia, at United Arab Emirates. Inako naman ng advertising agency na DDB Philippines ang responsibilidad at humingi ng paumanhin sa pagkakamali. Sinabi rin ng agency na walang pondo ng gobyerno ang ginamit sa paggawa ng naturang video. Nagalit at nadismaya ang DOT kaya tinapos nito ang kontrata sa DDB Philippines. May mga nagkomentong tila naghugas-kamay ang DOT sa kapalpakan ng video na inaprubahan nito. 

Hindi rito natatapos ang kontrobersyang kinaharap ng kagawaran. Muling lumitaw ang social media post ng Minister of State for Culture of Singapore sa 26th ASEAN Tourism Forum na ginanap sa Indonesia noong Pebrero. Sa social media post, makikita ang pagbigay ni Secretary Frasco ng souvenir sa opisyal ng Singapore. Laman nito ang kilalang biskwit mula Cebu na produkto ng family business ng kanyang asawang kongresista. Katulad ng mga bagay na ipinamimigay ng mga pulitiko, nakalagay sa pasalubong na tinanggap ng opisyal ng Singapore ang litrato ng mag-asawang Frasco. Hindi ba ito nakakahiya? Hindi lang pala tourist destinations ng ibang bansa ang pino-promote natin sa mundo. Pati ang ”epal” na kaugalian ng mga tinatawag na traditional politician, ipinangangalandakan na rin natin.  

Sa salitang kolokyal, tinatawag na “epal” ang taong umaagaw ng atensyon o lantarang gumagawa ng self-promotion nang wala sa lugar. Noong 2021, isinama na ang anti-epal na probisyon sa national budget. Sa ilalim ng probisyong ito, pinagbabawalan ang mga opisyal ng gobyerno sa pag-promote ng kanilang sarili sa pamamagitan ng paglagay ng pangalan o litrato nila sa mga programa, proyekto, o anumang inisyatibong pinondohan ng pamahalaan. Nanggaling kaya sa pondo ng bayan ang ibinigay na souvenir ni Secretary Frasco? Maliban dito, hindi maikakailang ginamit niya ang posisyon sa gobyerno upang i-promote ang kanilang negosyo sa isang opisyal na okasyon. Malinaw na conflict of interest ito.  

Sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahang tungkulin ng mga opisyal ng gobyerno, bilang mga lingkod-bayan, ang pagtataguyod ng katapatan, integridad, at kabutihang panlahat o common good. Hindi nila dapat inaabuso ang kapangyarihang tangan nila para sa pansariling interes. Hindi rin nila dapat tinatakasan ang accountability sa panahon ng kagipitan. Wika nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, ang tunay na lingkod-bayan ay maprinsipyo at itinataguyod ang kabutihang panlahat kahit sa harap ng mga hamong kaakibat ng kanilang pagseserbisyo. 

Mga Kapanalig, ang mensaheng “Love the Philippines” ay hindi lang nakatuon sa mga dayuhan na iniimbitahang bumisita sa Pilipinas. Nakadirekta rin ito sa atin bilang mga mamamayan. Higit pa sa pagtangkilik sa mga destinasyon sa bansa, ipakita natin ang pagmamahal sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag sa mga tiwaling gawain at ng pagpapanagot sa mga lingkod-bayan. Katulad nga ng mensahe sa Mga Kawikaan 29:4, ang bayan ay matatag kung ang mga nasa poder ay makatarungan, ngunit ito ay mawawasak kung ang pansariling interes nila ang mangingibabaw. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,728 total views

 13,728 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 22,396 total views

 22,396 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 30,576 total views

 30,576 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 26,603 total views

 26,603 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 38,654 total views

 38,654 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,729 total views

 13,729 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 22,397 total views

 22,397 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 30,577 total views

 30,577 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 26,604 total views

 26,604 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 38,655 total views

 38,655 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,470 total views

 55,470 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,475 total views

 84,475 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,039 total views

 105,039 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,964 total views

 86,964 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,745 total views

 97,745 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,801 total views

 108,801 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,663 total views

 72,663 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,092 total views

 61,092 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,314 total views

 61,314 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,016 total views

 54,016 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top