CBCP, hinamon ang pamahalaan na suriin ang programa sa healthcare workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,675 total views

Hinamon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang pamahalaan na suriing mabuti ang mga programa para sa healthcare workers.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, kabilang sa maituturing na mahalagang aspeto sa sektor ng kalusugan sa bansa ang human resources.

Inihalintulad ni Fr. Cancino ang pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang sektor ng kalusugan sa pamamagitan ng Universal Health Care ay dapat pahalagahan din ang kakayahan ng mga healthcare worker tulad ng nurses.

“Dapat, pati ‘yung ating human resources ay competent. Ibig sabihin nakapasa, may lisensya sila, at doon mo makikita ang pagpapahalaga ng ating gobyerno sa human resources natin for health, isa d’yan ‘yung mga nurses,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Naunang inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa ang hakbang na hikayatin ang nursing graduates na nakakuha ng 70-74 percent rating sa Nursing Board Exam na maging karagdagang manggagawa ng kalusugan sa bansa.

Sinabi naman ni Fr. Cancino na maganda ang mungkahi ni Herbosa ngunit pansamantalang solusyon lamang ito.

Iginiit ng pari na mas makabubuti pa rin na palawigin at paigtingin ng pamahalaan ang programa at benepisyo para sa mga healthcare workers upang manatili na lamang sa Pilipinas.

“Busisiin natin ‘yung buong programa natin para sa ating mga health care workers. Baka pumupunta ‘yan [sa ibang bansa] kasi ‘yung mga benefits, status, kondisyon nila dito, hindi lang ‘yung sa mga nasa ospital pero pati ‘yung mga nasa komunidad ay hindi akma doon sa trabaho na binibigay natin sa kanila. Let’s try to look at a more comprehensive program para sa kanila para sa mga health care workers,” giit ni Fr. Cancino.

Una nang inanunsyo ng DOH na bukas ang mahigit 4,500 bakanteng plantilla position sa mga government hospitals para sa mga lisensyadong nurse.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 13,431 total views

 13,431 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 36,583 total views

 36,583 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 106,697 total views

 106,697 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 181,309 total views

 181,309 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 260,485 total views

 260,485 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top