PBBM, bulag sa problemang pangkalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,863 total reads

Dismayado ang Alyansa Tigil Mina sa mga sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address nitong Lunes.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, kulang ang mga naging pahayag ni Pangulong Marcos, Jr. at walang nabanggit na anumang pagtugon hinggil sa usaping pagmimina at pangangalaga sa kagubatan.

“Mukhang bulag sa mga problemang pang-kalikasan si PBBM, at hindi nabigyan ng tamang focus ng DENR (Department of Environment and Natural Resources) ang mga isyu ng illegal mining, seabed quarrying, mindoro oil spill at Kaliwa Dam,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Hindi rin kumbinsido ang grupo sa mga numerong binanggit ng pangulo hinggil sa renewable energy projects ng pamahalaan.

Iginiit ng ATM na dapat magbigay ng patunay ang pamahalaan partikular ang DENR at Department of Energy na nagpapakita ng resulta ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor hinggil sa renewable energy projects.

Sa SONA, sinabi ni Pangulong Marcos, Jr. na mayroon nang 126 renewable energy contracts ang inaayos ng pamahalaan para maisakatuparan ang abot-kaya at malinis na enerhiya.

“Dapat magbigay ng maliwanag na listahan o paliwanag ang DENR at DOE kung nasaan at kailan sisimulan o matatapos ang mga RE projects na ito. Mukhang maiiwan sa ere ang mga hinaing ng mga mining-affected communities,” ayon kay Garganera.

Muli namang nananawagan ang grupo na pagtuunan ang pagsasabatas sa Green Bills na makakatulong sa pangangalaga sa kalikasan at mga pamayanang apektado ng mapaminsalang pag-unlad.

Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao hinggil sa operasyon ng pagmimina sa bansa, at umaasang magkakaroon ng himala na tuluyan na itong ipatigil ng pamahalaan para na rin sa kaligtasan ng kalikasan at mamamayan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 42,392 total reads

 42,392 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 151,790 total reads

 151,790 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 237,159 total reads

 237,159 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 283,898 total reads

 283,898 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 331,766 total reads

 331,766 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 428,048 total reads

 428,048 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 173,647 total reads

 173,647 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top