SCMP, dismayado sa kawalang pagpapahalaga ng pangulong Marcos sa human rights

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,492 total reads

Dismayado ang Ecumenical youth group na Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa kawalan ng pansin at hindi pagtalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kalagayan ng karapatan pantao sa bansa sa naganap na ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay SCMP National Spokesperson Kej Andres, hindi katanggap-tanggap ang pagsasantabi ng Pangulong Marcos sa nakababahalang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.

Pagbabahagi ng grupo, mas dapat na bigyang pansin ang mahigit sa 400-kaso ng human rights violations, 23 kaso ng abductions and enforced disappearances, 92-politically-related killings at ang nagpapatuloy na karahasan sa lalawigan ng Negros at Cagayan sa halip na modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“President Marcos, Jr. sinfully dismissed the alarming human rights crisis in the Philippines. With more than 400 cases of human rights violations, 23 cases of abductions and enforced disappearances, 92 politically-related killings, and rampant bombings in places such as Negros and Cagayan, he did not address the worsening situation of human rights. Instead of holding state forces accountable, he chose to reward to the AFP and the PNP the urgency of their pension and their modernization,” pahayag ni Andres.

Binigyang diin ni Andres ang pagbibigay pansin at pag-aangat sa buhay ng mga kabilang sa batayang sektor sa lipunan na kadalasang dumaranas ng higit na epekto ng kahirapan at kawalang katarungan sa lipunan.

Hinamon naman ng Ecumenical Youth Group si Pangulong Marcos Jr. na muling ituloy ang naunsyaming usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunistang grupo.

“We, peace loving Filipinos, challenge Marcos Jr., in his second year, to reopen peace talks if he is truly serious in pursuing just and lasting peace. For as long as our countryfolk suffer from poverty, injustices, lack of social services, and neo-colonial domination, Filipinos are always incentivized to fight back in any way they must,” Dagdag pa ni Andres.

Batay sa pagtataya ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa loob lamang ng isang buong taong ng pamamahala ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay umaabot na sa 407 ang mga kaso ng human rights violations sa bansa na kinabibilangan ng pagpaslang, illegal arrests, pambobomba, at militarisasyon sa ilang mga probinsya sa bansa.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,190 total reads

 44,190 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 156,086 total reads

 156,085 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,455 total reads

 241,455 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,194 total reads

 288,193 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 336,061 total reads

 336,061 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 432,179 total reads

 432,179 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top