Pagpapatuloy ng ICC probe, isang hakbang sa pagkamit ng katarungan ng mga biktima ng EJK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,490 total reads

Ikinagalak ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na nagsasantabi sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang pag-iimbestiga sa marahas na war on drugs sa bansa.

Ayon kay Fr. Flaviano Villanueva, SVD–founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, ang pasya ng international court ay isang hakbang tungo sa pagkamit ng katarungan sa mga biktima na war on drugs sa Pilipinas.

Pagbabahagi pa ng Pari, ang desisyon ng hukuman ay naghahatid din ng pag-asa sa may 300 kasapi ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation at makamit ang katarungan ng kanilang mahal sa buhay na biktima ng extra-judicial killings (EJKs).

“For us in Program Paglihom with its 304 members, this decision is already like the initial trickling of the balm of justice that will soothe the scarred hearts of the men, women, and children who have lost their loved ones in extra-judicial killings (EJKs).” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Tiniyak namang ng pari ang patuloy na pagsusumikap ng institusyon na gabayan at tulungan ang mga naulilang mga biktima ng marahas na war on drugs sa nakalipas na administrasyong Duterte sa pamamagitan ng Program Paghilom.

“For the past 6 years, Program Paghilom has never ceased to provide dignified, systematic, and holistic care to EJK orphans and widows. Now that the wheels of justice are turning, we are committed more than ever to the mission of recreating and empowering the lives of the EJK victims.” ayon sa pari.

Taong 2016 nang sinimulan ni Fr. Villanueva ang ‘Program Paghilom’ upang makatulong at sumuporta sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi sa war on drugs.

Sa tala ng pamahalaan aabot sa 6,200 ang nasawi sa police operations na taliwas sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na aabot ng halos 9,000 katao habang may 20000 hanggang 30-libo naman ang listahan ng mga human rights groups sa bansa ang napatay sa kampanya laban sa illegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 182,963 total reads

 182,963 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 211,839 total reads

 211,839 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 245,960 total reads

 245,960 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 302,365 total reads

 302,365 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 41,224 total reads

 41,224 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top