Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hamon sa Suplay ng Tubig sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 1,556 total views

Ang tubig ay isa sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng bawat mamamayan. Basic need ito, kapanalig. Pero kahit ulan ng ulan ngayon at napapalibutan tayo ng katawang tubig, ang kakulangan sa suplay ng tubig ay isang isyu na kinakaharap ng bansa, hindi lamang dahil nagbabanta ang El Nino, kundi dahil marami pang ibang hamon sa water supply ng bayan.

Isa sa mga pangunahing hamon sa suplay ng ating tubig ay ang maling pamamahala at pag-gamit nito. Marami pang bahagi ng ating bansa ang labis na umaasa sa groundwater o tubig mula sa ilalim ng lupa. Habang dumadami ang taong gumagamit nito, maaring maubos ito at maging sanhi pa ng erosion at sink holes.

Ang kawalan din ng maayos na imprastraktura para sa maayos na pamamahala at pag-ipon ng tubig ay isa pang hamon na dapat nating tugunan. Ayon nga sa National Water Resources Board, tinatayang mga 11 milyong Filipino ang walang access sa malinis at ligtas na tubig. Ang laking impact nito, kapanalig, sa buhay natin. Ang kawalan ng malinis na tubig ay nagdudulot ng sakit, gaya ng diarrhea, cholera, at leptospirosis.

Ang kalinisan ng tubig sa ating bayan ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan. Lahat tayo ay nakataya dito. Marami sa ating kababayan ang hindi pa mulat sa kanilang bahagi sa pagiging marumi ng ating mga katawang tubig. Sa halip na mabawasan, mas lalo pang dumami ang basura natin sa katubigan, kaya nga’t tayo na ang isa sa nangunguna sa buong mundo pagdating sa plastic pollution sa mga karagatan.

Ang suplay ng tubig sa Pilipinas ay isang mahalagang isyu na dapat pagtuunan ng seryosong pansin ng bawat mamamayan at ng gobyerno. Sa ngayon, ang ating naririnig lagi mula sa pamahalaan ay ang paghahanda ng mamamayan para sa El Nino, ang pagtitipid ng paggamit sa tubig- pero ano kaya naman ang mga proyekto ng gobyerno upang proactive naman, at hindi lamang reactive ang ating kilos ukol sa kakulangan ng water supply, hindi lamang ngayon, kundi sa hinaharap? Agarang aksyon ang kailangan dito. Ano ba ang immediate at long-term water management plant ng ating bayan?

Kapanalig, tanong sa atin ng Laudato Si, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan: Anong uri ng mundo ang iiwan natin sa susunod na henerasyon? Malalim ang tanong na ito, at dapat nating pagnilayan. Sa ating konteksto ngayon, may maiiwan pa ba tayong malinis na tubig sa susunod na henerasyon? Sana naman, meron kapanalig.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 16,852 total views

 16,852 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 25,520 total views

 25,520 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 33,700 total views

 33,700 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 29,679 total views

 29,679 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 41,730 total views

 41,730 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 16,853 total views

 16,853 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 25,521 total views

 25,521 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 33,701 total views

 33,701 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 29,680 total views

 29,680 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 41,731 total views

 41,731 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,740 total views

 55,740 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,745 total views

 84,745 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,309 total views

 105,309 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 87,234 total views

 87,234 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 98,015 total views

 98,015 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 109,071 total views

 109,071 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,933 total views

 72,933 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,362 total views

 61,362 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,584 total views

 61,584 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,286 total views

 54,286 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top