Northern Luzon Clergy retreat, magpapalago sa relasyon ng mga pari at mga layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,606 total reads

Umaasa ang arsobispo ng Archdiocese of Nueva Segovia na magdulot ng malagong bokasyon ng mga lingkod ng simbahan ang ginanap na Northern Luzon Clergy retreat.

Ayon kay Archbishop Marlo Peralta kinakailangan ng mga pari ang regular renewal upang mas mapaigting ang ugnayan sa Panginoon na makatutulong sa gawaing pagpapastol.

“Maging magandang bunga itong regional retreat namin makatutulong sa amin itong mapalago ang aming relasyon sa Panginoon para sa ganoon lalago rin ang relasyon namin sa mga tao.” pahayag ni Archbishop Peralta sa Radio Veritas.

Hamon ng arsobispo sa mga paring dumalo sa limang araw na pagtitipon simula July 31 na maipadama sa nasasakupang kawan ang bunga ng mga pagninilay at magiging daan upang higit mailapit ang tao sa Panginoon.

Pinangunahan ni missionary priest Fr. Chris Alar, MIC bilang retreat master ang pagtitipon sa Our Lady of the Atonement Cathedral sa Baguio City na magtatapos sa August 4, 2023 sa kapistahan ni St. John Mary Vianney.

Si Fr. Alar ang Provincial Superior ng Blessed Virgin Mary, Mother of Mercy Province of the Marian Fathers of the Immaculate Conception sa Estados Unidos na may akda sa tanyag na ‘Divine Mercy 101’ at ‘Explaining the Faith’ DVD series gayundin sa aklat na ‘After Suicide: There’s Hope for Them and for You.

Humigit kumulang sa 1, 000 mga pari mula sa mga Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan, Nueva Segovia, Tuguegarao gayundin ang mga Diyosesis ng Alaminos, Baguio, Bangued, Bayombong, Ilagan, Laoag, Urdaneta, San Jose Cabanatuan, Prelatura ng Batanes, Tabuk Kalinga, Vicariate ng Bontoc Lagawe.

Ang Northern Luzon Clergy Retreat ay unang isinagawa noong 2018 at ginaganap tuwing ikalawang taon na layong magbuklod sa pagninilay ang mga pastol ng simbahan para sa pagpapaunlad ng bokasyon at misyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 119,214 total reads

 119,214 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 195,030 total reads

 195,030 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 228,478 total reads

 228,478 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 263,777 total reads

 263,777 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 485,610 total reads

 485,610 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top