Makiisa sa “national retreat for priests”, panawagan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,798 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga pari na makiisa sa National Retreat for Priests.

Ayon kay CBCP – Episcopal Commission on Clergy Executive Secretary Msgr. Cesar Vergara magandang pagkakataon ito upang makasalamuha ang kapwa pari mula sa iba’t ibang diyosesis at kongregasyon sa Pilipinas at maipadama ang kapatiran ng bawat isa.

Sinabi ng opisyal na inaasahang bunga rin ng pagtitipon ng mga pari na mapalakas ang bokasyon sa misyong pagpapastol sa mga pamayanan.

“Beside yung spirituality and holiness, in a special way kaming mga kaparian, ito ang magra-radiate sa aming tungkulin sa mga parokya.” pahayag ni Msgr. Vergara sa Radio Veritas.

Dahil dito hinikayat ng opisyal ang mga pari sa buong bansa na makiisa sa NRP 2023 na gaganapin sa IEC Convention Center sa Cebu City sa November 7 hanggang 9, 2023.

Ibinahagi ni Msgr. Vergara na pinalawig ang pagpapatala sa mga nagnanais dumalo sa national retreat hanggang August 15 upang mabigyang pagkakataon ang iba pang pari na makapagparehistro.

Tema sa NRP 2023 ang ‘Priesthood: A Call to Holiness’ na layong higit mapaigting ang bokasyon ng mga pari sa pamamagitan ng mga panayam na ibabahagi ni Sr. Briege Mckenna ang may akda sa aklat na ‘Miracles Do Happen’ at tanyag sa gift of healing and minisrty for priests sa nakalipas na limang dekada sa may 100 mga bansa.

Sa mga nais dumalo sa NRP 2023 makipag-ugnayan kay Katrina Buletin sa 0995 7662168 o kay Joshua Arreglo sa 0946 5987152 para sa karagdagang detalye.
Bukod sa isasagawang retreat nakatakdang bibisitahin ng mga delegado ang iba’t ibang pilgrim site ng Cebu kabilang na ang Capelinha de Fatima Replica Chapel, ang Venerable Teofilo Camomot Shrine at iba pang tanyag na pilgrim center na makatutulong sa paghubog ng pananampalatayang kristiyano.

Ang nasabing pagtitipon ay unang itinakda noong 2021 bilang bahagi ng closing activities ng 500 Years of Christianity subalit naantala dahil sa mahigpit ng panuntunang dulot ng COVID-19 pandemic.

Umaasa si Msgr. Vergara na gamiting pagkakataon ito ng mga pari na makipagkapwa sa iba pang pastol ng simbahan at magbuklod sa paglalakbay tungo sa iisang simbahan alinsunod sa panawagan ng Santo Papa Francisco na Synodal Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 31,001 total reads

 31,001 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 64,629 total reads

 64,629 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 101,112 total reads

 101,112 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 119,324 total reads

 119,324 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 201,973 total reads

 201,973 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top