Makati-Taguig territorial case, hindi na kailangan ang writ of execution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,057 total reads

Kinatigan ng isang dalubhasa sa batas ang paninindigan ng Taguig City na hindi na kinakailangan ang writ of execution para ipatupad ang ‘take over’ ng Taguig sa mga EMBO barangays na dating nasa pangangasiwa ng Makati City.

Ayon kay dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hindi naman ejectment case ang usapin at malinaw na rin ang inilabas na desisyon ng Mataas ng Hukuman.

Sinabi pa ng abogado na base sa 53 pahinang desisyon ng korte hindi na kailangan ang transition period sa sinasaad ng kautusan ang “stop exercising jurisdiction” na malinaw na nagsasabing ibigay ang pamamahala sa Taguig City.

Nilinaw ni Angeles na walang legal basis ang nakuhang opinyon ng Makati City mula sa mula sa Office of Court Administrator (OCA) na nagsasabing kinakailangan pa ng writ of execution gayung desisyon naman ng Supreme Court ang pinanghahawakan ng Taguig.

Ipinaliwanag pa ng abogado ang writ of execution ay para sa ejectment case tulad halimbawa ng may umuupa sa isang property na nais paalisin.

Dagdag pa niya, “Kahit mayroon nang desisyon at nanalo sa hukuman kailangan pa rin ng writ of execution para mapaalis mo yung nakatira sa iyong property, giit ni Angeles, hindi ejectment case ang Taguig-Makati row.”

Sa July 8, 2011 decision ni RTC Pasig City Branch 153 President Judge Briccio Ygaña pinaboran ang Taguig sa inihaing Civil Case na Judicial Confirmation of the Territory and Boundary Limits of Taguig, iniutos naman ng Regional Trial Court na ang Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Parcels 3 at 4, Psu-2031 ay bahagi ng teritoryo ng Taguig.

Nakapaloob din sa desisyon na permante ang ipinalabas na Writ of Preliminary Injunction noong 1994 at nakasaad na “Enjoining defendant Municipality, now City of Makati, from exercising jurisdiction over, making improvements on, or otherwise treating as part of its territory, Parcels 3 and 4, Psu-2031 comprising Fort Bonifacio”.

Ayon kay Angeles noong 1994 pa ay dapat hindi na nag-exercise ng jurisdiction ang Makati sa Embo Barangays dahil mayroon nang TRO sa umpisa pa lamang ng litigation ng kaso, kaya sa naging desisyon ng SC noong 2022 ay ang kautusan ng paglilipat ng hurisdiksyon matapos manalo ang Taguig.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,170 total reads

 1,170 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 52,012 total reads

 52,012 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 137,378 total reads

 137,378 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 184,114 total reads

 184,114 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,985 total reads

 231,985 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,447 total reads

 333,447 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top