Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

14 na pampublikong paaralan ng Makati na bahagi ng desisyon ng SC, isinailalim sa DepEd

SHARE THE TRUTH

 27,917 total views

Nasa pangangasiwa na ng Department of Education ang 14 na pampublikong paaralan na naapektuhan sa desisyon ng Supreme Court sa territorial dispute sa pagitan ng Makati at Taguig.
Sa pahayag ng DepEd, ito ay upang maiwasan ang kalituhan lalo’t nagsimula na ang pasukan ng mga mag-aaral ngayong araw.
Sa kautusan, ang tanggapan ng kalihim ang mangangasiwa sa mga paaralan habang isinasaayos ang paglilipat ng pamamahala sa pamahalaang lokal ng Taguig.
Kabilang sa 14 na paaralan ang Makati Science High School, Comembo Elementary School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School at Tibagan High School.
Kabilang din sa talaan ang Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School at South Cembo Elementary School.
Nakiiisa naman sa inilunsad na Brigada Eskwela ang mga magulang, estudyante, guro gayundin si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Ayon naman kay Taguig-Pateros School’s Superintendent Dr. Cynthia Ayles, ang lahat ng 14 school officials ay nakipag-ugnayan na sa Taguig LGU simula pa noong Hulyo para sa maayos na pagbubukas ng klase.
Nanindigan din ang pamahalaang lokal ng Taguig (LGU) na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga sakop na barangay na ayon sa Korte Suprema ay saklaw ng hurisdiksyon ng Taguig.
Ayon sa pahayag, hindi sang-ayon ang Taguig sa “initial assessment” na inilabas ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan ng Mataas na hukuman.
“Being a mere opinion, this statement does not have the force of law and does not bind Taguig. SC itself doesn’t issue opinions. How can OCA issue one? In fact, SC simply noted a similar query from DILG,” ayon pa sa pahayag.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 29,198 total views

 29,198 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,298 total views

 37,298 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,265 total views

 55,265 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,293 total views

 84,293 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,870 total views

 104,870 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 5,149 total views

 5,149 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Disaster News
Arnel Pelaco

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

 8,765 total views

 8,765 total views Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine Nararanasan ngayon sa buong Bicol Region ang malakas na pag-uulang nagdulot na ng pagbaha dahil sa epekto

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 71,479 total views

 71,479 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top