Fossil gas power plant, tinutulan ng Diocese of Lucena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,093 total views

Nagpahayag ng pagtutol ang mga pari ng Diyosesis ng Lucena hinggil sa pagtatayo ng Fossil Gas Power Plant sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa pahayag, ang iminumungkahing power plant ay itatayo sa mga bayan ng Mauban, Pagbilao, Atimonan, at iba pang bahagi ng lalawigan.

Naninindigan ang diyosesis alinsunod sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco upang ihinto na ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel, at sa halip ay suportahan ang renewable energy na mas makabubuti para sa kalikasan at kaligtasan ng mga tao.

“Naniniwala kami na ang fossil fuels ay isa sa mga pangunahing sanhi ng unti-unting pagkasira ng mundo dahil sa masasamang naidudulot nito hindi lamang sa kapaligiran kung hindi pati sa lipunan at bawat kasapi nito, lalo na ang mga mahihirap at nasa laylayan,” pahayag ng Lucena Clergy.

Magugunitang taong 2015 nang kumilos ang diyosesis laban sa binabalak na coal-fired power plant sa Atimonan, at matagumpay na napigilan ang proyekto sa tulong ng mga mananampalataya at iba’t ibang grupo.

Gayunman, nagpapatuloy ang operasyon ng coal-fired power plant sa mga bayan ng Mauban at Pagbilao na nagiging sanhi ng pagkakasakit ng mga residente, at polusyon sa kapaligiran.

“Hindi pa man naitatayo ang ilang iminumungkahing planta, pangita na ang mga danyos at epekto — at magiging epekto pa — nito sa buhay ng mga pangunahing maapektuhan ng proyekto sa pamamagitan ng mga kasalukuyang umiiral na coal-fired power plants sa mga naturang lugar,” nakasaad sa liham.

Iginiit ng mga pari na hindi kapani-paniwalang pabababain ng mga fossil gas power plant ang halaga ng kuryente dahil limitado lamang ang suplay ng fossil gas sa Pilipinas kaya’t mapipilitan ang pamahalaan na mag-angkat ng mahal na gas mula sa ibang bansa.

Isinusulong naman ng diyosesis ang pamumuhunan sa renewable energy kung saan batay sa datos ng Department of Energy, ang enerhiyang makukuha sa hangin at araw pa lamang ay aabot na sa higit 800 gigawatts (GW), habang marami rin itong maibibigay na trabaho kumpara sa fossil gas.

Sinususugan din ng Lucena Clergy ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na simulang talikuran ang mga bangko at institusyong sumusuporta sa mga mapaminsalang proyekto, at pagsisikap na matugunan ang lumalalang krisis sa klima ng bansa.

“Kaya ang panawagan naming mga kaparian: maging mapanuri sa pagsang-ayon sa ganitong proyekto; maging bukas ang isip sa pag-aaral, paggamit, at pagsusulong ng higit na mura at malinis na renewable energy; maging malaya sa pagtutol at pagpili ayon sa kanilang paninimbang ng walang pamimilit, paniniil, pananakot, o pagbabanta mula sa sinuman; at paghariin sa ating mga sarili ang idinidikta ng ating konsensya na naaayon sa kalooban ng Diyos,” saad ng Lucena Clergy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 31,712 total views

 31,712 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 59,717 total views

 59,717 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 77,517 total views

 77,517 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 76,275 total views

 76,275 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 186,378 total views

 186,378 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,200 total views

 11,200 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top