Filipino Baby Bishops, malugod na tinanggap ng Pontificio Collegio Filippino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,074 total views

Ikinalugod ng Pontificio Collegio Filippino ang pagtanggap sa Filipino Baby Bishops na kasalukuyang nasa Roma para sumailalim sa paghuhubog bilang mga bagong pastol ng simbahan.

Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, ang mga bagong talagang obispo ay naglilingkod sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na tanda ng mas malawak na pagmimisyon ng mga Pilipino na kamakailan ay nagdiwang ng ika – 500 taon ng kristiyanismo.

“Welcoming our Filipino Bishops assigned in the Philippines, Papua New Guinea, Japan, the US, the Holy Land and in the Vatican allows us to experience in a special way the Universal Church,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Kabilang sa mga dadalo sa formation course ng Dicastery For Bishops ng Vatican at Regina Apostolorum para sa baby bishops sina Bishop Charlie Inzon ng Apostolic Vicariate of Jolo Sulu; Bishop Pablito Tagura ng Apostolic Vicariate of San Jose sa Occidental Mindoro; Bishop Anthoy Celino, Auxiliary Bishop ng Diocese of El Paso sa America; Bishop Joseph Durero ng Diocese of Daru-Kiunga, Papua New Guinea; at Bishop Edgar Gacutan ng Diocese of Sendai sa Japan.

“All new Bishops come to Rome to attend a 10-day conference to orient them with the role of Bishops and the Church’s thrust in service and evangelization,” ani Fr. Gaston.

Bukod sa formation program may pagkakataon din ang mga obispo na makipagpulong sa Kanyang Kabanalan Francisco at bumisita sa iba’t ibang tanggapang pinamumunuan ng mga cardinal at obispo sa Roman Curia.
Binigyang diin ni Fr. Gaston na malaking tungkulin ang ginagampanan ng mga bagong obispo lalo’t tatlo rito ay nagsisilbi sa mga lugar na minorya lamang ang katoliko na isang pagsasabuhay sa temang ‘Gifted to Give’ sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa bansa.

“Indeed, our Bishops, Priests, Religious and Lay people share the gift of Faith worldwide, in the Church, families, and wherever they are for work, study or even recreation,” saad ni Fr. Gaston.

Kabilang sa tumanggap sa baby bishops sa PCF sina Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization; Archbishop Tito Yllana ang Apostolic Nuncio sa Holy Land; at Ambassador Myla Grace Macahilig ang kinatawan ng Pilipinas sa Holy See gayundin sa iba pang paring nanunuluyan sa PCF na nag-aaral sa iba’t ibang institusyon sa Roma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 30,201 total views

 30,201 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 58,206 total views

 58,206 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 76,006 total views

 76,006 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 74,826 total views

 74,826 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 185,054 total views

 185,054 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 9,863 total views

 9,863 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top