Diocesan Shrine of Sto.Nino Parish, umaapela ng suporta sa “benefit concert for street dwellers”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,033 total reads

Umapela ng suporta ang Diocesan Shrine of Sto. Nino Parish sa Bago Bantay, Quezon City para sa isasagawang benefit concert sa September 16.

Ayon kay Hannah Mikhaela Segovia ng Parish Pastoral Council, layunin ng Marian Concert na suportahan ang programang ‘LSS: Hapag-Ibig’ na kumakalinga sa mga palaboy at higit nangangailangan sa lipunan.

“Yung proceeds nitong benefit concert mapupunta sa mga street dwellers na tinutulungan ng parokya namin, mga 80 to 100 yan sila na kine-cater sa parish every Sunday.” pahayag ni Segovia sa Radio Veritas.

Ayon kay Segovia, sinimulan itong LSS – Hapag-ibig noong September 5, 2021 sa pangunguna ni Diocesan Rector at Parish Priest Fr. Ron Mariano Roberto sa pakikipagtulungan ng Crisis Management ng parokya.

Sinimulan ito sa paglilibot sa mga lansangan kung saan namamahagi ng pagkain sa street dwellers tuwing Linggo subalit nang magluwag ang panuntunan sa COVID-19 ay sa mismong simbahan na ito isinasagawa.

“Noong magluwag ng protocols, ang mga street dwellers ang pumupunta sa simbahan every Sunday, nag-aattend sila ng Mass then may katekesis, saka sila pinagsisilbihan, pinakakain ng parish volunteers.” ani Segovia.

Tema ng Marian benefit concert ay ‘Maria Tanglaw at Pag-asa ng mga Dukha’ kung saan magtatanghal ang Lourdes Choir, Strings & Luminous Choir, Coro Cielo, Coro Sagrada Familia, Missionary Servants of the Blessed Sacrament, PUP Bagong Himig Serenata, Vox Populi, Vox Archangeli, at Vox Angelicum Choirs, Joy of the Hearts at Sto. Nino Choir habang tampok din sa pagtatanghal ang tanyag na mang aawit na si Lara Maigue.

Isasagawa ang benefit concert sa simbahan alas 6:30 ng gabi kung saan ang bawat manonood ay may pagkakataong mag-alay ng kanilang tulong para sa LSS: Hapag-ibig program.

Matutunghayan din ang Marian Concert sa Facebook page ng Diocesan Shrine of Sto. Nino Parish kung saan maari ring magpaabot ng tulong ang online viewers sa pamamagitan ng Gcash at bank transfers na ipakikita sa screen.

Ang benefit concert ay pinangangasiwaan ng music ministry ng dambana na pinamumunuan ni Angelique Regio.

Sa mga nais makibahagi sa programa ay makipag-ugnayan sa official Facebook page ng parokya para sa karagdagang detalye sa paglingap sa pangangailangan ng street dwellers.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,996 total reads

 24,996 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 122,415 total reads

 122,415 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 207,785 total reads

 207,785 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 254,521 total reads

 254,521 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 302,392 total reads

 302,392 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 400,183 total reads

 400,183 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top