Huwag hayaang maulit ang batas military, hamon ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,502 total reads

Hinimok ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga Pilipino na maging mapagmatyag upang maiwasang maulit ang madilim na karanasan ng batas militar.

Ito ang pahayag ng obispo sa paggunita ng ika – 51 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon kay Bishop Bacani, nakababahala na sa kasalukuyan maraming mambabatas ang kumikiling sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Let us watch the House of Representatives. Many of them are behaving like tuta once again. That is a good preparation for dictatorship,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Batid ng obispo ang malagim na karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng diktadurang Marcos kung saan laganap ang mga karahasan.

Sa datos ng Amnesty International 70, 000 katao ang nakulong dahil sa paglaban sa gobyerno, 34, 000 ang pinahirapan habang mahigit tatlong libo ang biktima ng extrajudicial killings.

Sa dalawang dekadang panunungkulan ni Marcos Sr., siyam na taon dito ang nasa ilalim ng batas militar mula 1972 hanggang 1981.

Pebrero 1986 nang mawakasan ang diktadurang Marcos kasunod ng mapayapang EDSA People Power Revolution subalit makalipas ang mahigit tatlong dekada muling nakabalik sa pwesto ang pamilya Marcos nang maihalal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 Presidential Election.

Iginiit ni Bishop Bacani na dapat manatiling mapagbantay ang mga Pilipino at manindigan sa mga pananamantala at karahasan sa lipunan.

“Vigilance is the price of freedom, let us be vocal versus abuses,” giit ni Bishop Bacani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 22,212 total reads

 22,212 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 56,430 total reads

 56,430 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,912 total reads

 92,912 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 111,124 total reads

 111,124 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 194,274 total reads

 194,274 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top