Paggunita sa martial law, paalala sa mga Pilipino na ingatan ang kalayaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,479 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang paggunita sa ika-51 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay isang paggising sa bawat isa upang patuloy na ingatan ang kalayaan ng bayan.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, ang paggunita sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa ay isang patuloy na hamon sa lahat upang pangalangan ang kalayaang tinatamasa ng bayan mula sa mga makasariling politiko na may pansariling interes sa posisyon at katungkulan sa pamahalaan.

Hinimok ng Obispo ang bawat Pilipino na maging mapagbantay upang hindi na muling masiil ang kalayaan at demokrasya ng bansa na una ng nakamit ng mga mamamayang nanindigan sa diktaduryang Marcos.

“Ang ating paggunita ngayon ay bilang panggising sa atin na ingatan natin yung kalayaan na ibinigay sa atin, huwag nating hayaan na the freedom that we have will again be curtail by some ambitious people most especially those who are greedy for power in the political life of our country.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo na siya ring national president ng Caritas Philippines, isang pagkakataon rin ang paggunita ng deklarasyon ng Martial Law upang patuloy na magpasalamat sa Panginoon para sa paggabay at pagbibigay proteksyon sa sambayanang Pilipino sa kabila ng madalim nitong kasaysayan sa ilalim ng Batas Militar.

Partikular ding nagpahayag ng pagkilala ang Obispo sa lahat ng mga nagsakripisyo ng kanilang buhay upang isulong ang kalayaan at demokrasya ng bansa mula sa paniniil at malawakang paglapastangan na naganap hindi lamang sa bayan kundi maging sa karapatang pantao ng mga mamamayan.

“Higit sa lahat ay pagkakataon ito na tayo ay magpasalamat sa Diyos sapagkat despite of what happened to us noong Martial Law we have survived and we have been blessed by God and we have received many blessings through the years because of the sacrifices of many people, mga biktima noong Martial Law at mga taong nag-alay ng kanilang buhay, tayo ay nagpapasalamat sa kanila ay pinagdadasal natin sila because by their examples and by their lives that they have given us an example of what we ought to do as people believers of the importance of freedom.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

September 21, 1972 nang magdeklara ng Martial Law ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na winakasan ng mapayapang People Power Revolution noong taong 1986 na naging inspirasyon ng iba’t ibang bansa upang isulong ang kani-kanilang kasarinlan sa pamamagitan ng pagkakaisa sa halip na karahasan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,984 total reads

 4,984 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,112 total reads

 5,112 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,066 total reads

 10,066 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,470 total reads

 66,470 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 189,974 total reads

 189,974 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 274,957 total reads

 274,957 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top