Pahalagahan at kilalanin ang migtanteng manggagawa, paalala ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,156 total reads

Hiniling ni CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mamamayan na pahalagahan ang mga migranteng manggagawa.

Ito ang mensahe ng opisyal sa pagdiriwang ng National Seafarers and Migrants Sunday nitong September 24.

Ayon kay Bishop Pabillo nararapat bigyang pagkilala at pahalaga ang Overseas Filipino Workers na nagpapagal sa mga dayuhang bansa upang matustusan ang pangangailangan ng mga mahal sa buhay.

“Pahalagahan po natin ang kahirapan at pagsisikap ng ating mamalakaya at ng ating mga OFW at ang iba pang migrante. Ipagdasal at unawain natin ang mga migrante at mga nagtratrabaho sa dagat.” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Batid ng obispo ang mga hamong kinakaharap ng bawat OFW at Seafarers na malayo sa kani-kanilang pamilya kaya dapat patuloy na ipagdasal at kilalanin ang mga pagsusumikap.

Sa datos ng Banko Sentral ng Pilipinas noong 2022 umabot sa 36 na bilyong dolyar ang ipinapadalang pera ng mga OFW mas mataas ng halos apat na porsyento kumpara sa remittance noon 2021.

Malaking kontribusyon dito ang mga Pilipinong manggagawa na nasa Amerika, SAudi Arabia, Singapore, Qatar at United Kingdom.

Tema ng 37th National Migrants’ Sunday ang ‘Free to choose whether to migrate or to stay’ kung saan kinikilala ang karapatan ng bawat isa lalo’t karamihang migrante ay napipilitang mangibang bayan dahil sa kahirapan.

Samantala tema naman ng 28th National Seafarers Day ang “Marinong Filipino: Patuloy sa Pangangalaga ng Karagatan” na binibigyang pahalaga rin ng simbahan sa pangunguna ng Stella Maris Philippines ang missionary arm ng simbahan na nangangalaga sa mga mamalakaya.

Ayon sa pag-aaral humigit kumulang sampung milyon ang bilang ng mga OFW sa iba’t ibang bahagi ng mundo na itinuring ni Pope Francis na ‘sumgglers of faith’ dahil sa pagbabahagi ng pananampalataya sa mga komunidad na kinabibilangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 1,678 total reads

 1,678 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,954 total reads

 32,953 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 112,818 total reads

 112,818 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 207,044 total reads

 207,044 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 267,480 total reads

 267,480 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,635 total reads

 37,635 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top