CBCP humiling ng panalangin sa tagumpay ng Synod of Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,106 total reads

Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa isasagawang Synod of Bishops sa Roma ngayong Oktubre.

Ayon kay CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, mahalaga ang mga panalangin upang maging matagumpay ang pagtitipon ng mga obispo kasama si Pope Francis.

Sinabi ng obispo na natatangi ang Synod of Bishops sa Oktubre dahil sa unang pagkakataon ay kabilang ang mga pari at layko sa pagtitipon upang dinggin ang iba’t ibang hinaing ng mga komunidad at sama-samang gumawa ng hakbang na matugunan ito bilang simbahang naglalakbay tungo sa landas ni Hesus.

“Very important ang prayer brigade, let us pray for the success or the fruitfulness of the Synod,” ani Bishop Vergara sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy din ng opisyal na bukod sa pagdalo ng mga pari, madre at layko ay magkakaroon din ito ng voting power sa mga proceedings ng synod na isang pagkilala sa karapatan ng bawat isang kasapi ng simbahan.

Tiniyak ni Bishop Vergara na asahan ang higit na pakikinig sa mga ihahaing resulta ng synodal consultations sa lahat ng parokya sa buong mundo upang mapabuti pa ang paglilingkod ng simbahan sa nasasakupang kawan.

“I would expect katulad nang dumaan ito sa different phases like yung diocesan phase, saka national at continental phase, there will be alot of listening,” giit ni Bishop Vergara.

Bago magsimula ang Synod of Bishops sa October magkakaroon ng tatlong araw na retreat ang mga dadalo para sa pagninilay at pakikinig sa ninanais ng Diyos sa simbahang naglalakbay sa mundo.

Bukod kay Bishop Vergara dadalo rin sa pagtitipon si CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Theologian Dr. Estela Padilla ang kasalukuyang executive secretary ng Office of Theological Concerns ng Federation of Asian Bishops’ Conferences at consultant ng CBCP Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities.

Magtatapos ang unang bahagi ng Synod of Bishops sa October 29, 2023 habang ang ikalawang bahagi ay sa October 2024.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 923 total reads

 923 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 6,879 total reads

 6,879 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 44,259 total reads

 44,259 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 75,530 total reads

 75,530 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 152,632 total reads

 152,632 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 246,518 total reads

 246,518 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top