Panalangin, pag-iingat sa bantang pagsabog ng bulkang Taal-panawagan ni Bishop Evangelista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,326 total reads

Ipinapanalangin ni Imus, Cavite Bishop Reynaldo Evangelista ang kaligtasan ng publiko mula sa panganib ng kalagayan ng Taal Volcano sa Batangas.

Dalangin ni Bishop Evangelista na tuluyan nang humupa ang kalagayan ng Bulkang Taal upang mapawi na ang pangamba at hindi na magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng publiko.

“Mag-ingat po tayong lahat at sana ay magdasal din tayo lalo na huwag magkaroon ng eruption ang Taal Volcano para hindi makapinsala sa maraming mga tao.” ayon kay Bishop Evangelista sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kalmado na ang kalagayan ng Bulkang Taal, at huling nagbuga ng 2,730 toneladang sulfur dioxide o asupre noong Setyembre 22.

Nagdulot ng makapal na volcanic smog o vog ang Bulkang Taal noong nakaraang linggo mula sa ibinugang higit 4,500 toneladang asupre, at naramdaman ang epekto hindi lamang sa Batangas, kun’di maging sa karatig na lalawigan na Cavite at Laguna.

Hinikayat naman ni Bishop Evangelista ang mga mananampalataya na sama-samang kumilos at manalangin para sa ganap na kapanatagan lalo na sa mga residenteng higit na apektado ng aktibidad ng bulkan.

“Sana ay magkaroon ng lahat ng pagkilos ang bawat pamilya, ang bawat mamamayan para maingatan ang kalusugan. Yan po ang paalaala para sa inyo.” ayon kay Bishop Evangelista.

Samantala, nakaantabay naman ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Paalala naman ng Department of Health sa publiko na sa pagkakataong muling lumala ang vog, limitahan muna ang outdoor activities at panatilihin ang pagsusuot ng facemask upang mabawasan ang pagkakalantad.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,577 total reads

 1,577 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 52,728 total reads

 52,728 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,094 total reads

 138,094 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 184,830 total reads

 184,830 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 232,701 total reads

 232,701 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,135 total reads

 334,135 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,761 total reads

 169,761 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top