Bentahan ng mga produktong may sangkap na mercury sa social media, pinuna ng BAN Toxics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,563 total reads

Ikinadismaya ng BAN Toxics ang paglaganap at pagbebenta ng mga produktong may sangkap na mercury o asoge sa social media platform na Facebook partikular na sa marketplace.

Ayon kay BAN Toxics campaigner Thony Dizon, patuloy pa rin ang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto sa kabila ng mga panuntunan laban sa mapanganib na mercury.

“Facebook should adhere to its community standards to make it a safe and mercury-free online platform to protect the people from harm and exposure to toxic mercury,” pahayag ni Dizon.

Sa online market monitoring ng grupo, naitala ang hindi bababa sa 18 sellers ng liquid mercury, habang higit 500 sellers naman sa produktong pampaputi na pawang ipinagbabawal sa ilalim ng Chemical Control Order for Mercury and Mercury Compounds ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at kontrolado ng Food and Drug Administration (FDA).

Iminungkahi ng BAN Toxics sa Facebook na suspendihin at tanggalin ang mga nagtitinda ng mapangib na kemikal upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko, at isulong ang safe social media environment para sa mamamayan.

“This should send a reminder to Facebook and other online shopping platforms such as Lazada and Shopee to strictly monitor and proactively take down postings/ads and suspend the accounts of online sellers that go against the existing regulations in the country, to safeguard the safety of the consumers from toxic exposure to mercury,” paalala ng grupo.

Batay sa pagsusuri ng World Health Organization, ang paglanghap ng singaw ng asoge ay nagdudulot ng masamang epekto sa nervous, digestive at immune systems, baga at kidneys, na maaaring humantong sa pagkasawi.

Taong 2020 nang pinagtibay ng Pilipinas ang Minamata Convention on Mercury, na pandaigdigang kasunduang naglalayong bawasan at alisin nang tuluyan ang mga gawain ng tao na pinagmumulan ng pagbubuga ng asoge sa kapaligiran.

Sang-ayon naman ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, gayunman, kinakailangang matiyak na ang negosyo nito ay walang masamang epekto sa kalusugan ng mamamayan at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 54,285 total reads

 54,285 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 103,570 total reads

 103,570 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 151,441 total reads

 151,441 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 255,390 total reads

 255,390 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 338,773 total reads

 338,773 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,652 total reads

 166,652 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top