Simbahan, nagsagawa ng outreach program sa Aeta Magindi students

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,814 total reads

Pinangunahan ng mga Pari ng Archdiocese of Manila, Radio Veritas, TV Maria at Archdiocesan Office of Communication ang outreach program sa mga mag-aaral na aeta sa liblib na barangay Camias, Porac Pampanga.

Inihayag ni Father Roy Bellen, Vice-President for Operations ng Radio Veritas at General Manager ng TV Maria at RCAM-AOC na 200-estudyanteng Aeta ng Barangay Camias High School ang nabiyayaan ng outreach program.
Tumanggap ang mga estudyante na bahagi ng Aeta Magindi community ng 200-food packs para sa kanilang pamilya at emergency kits.

Ipinagkaloob din ni Father Bellen sa outreach program ang 195-arm chairs para sa mga mag-aaral na aeta ng Camias high school.

Inihayag ni Father Bellen na sa pamamagitan ng mga kaparehong programa ng simbahan at kapwa ay mapukaw ang damdamin ng isat-isa na lumapit sa mga may pinaka-nangangailangan sa lipunan.

Umaasa ang Pari na sa pamamagitan ng inisyatibo ay higit na makikita ang mahirap na kalagayan ng mga mahihirap lalu na ang mga indigenous community na magkaroon ng sapat na kaalaman para mai-angat ang antas ng kanilang pamumuhay.

“Everytime na nag-share po tayo ng ating blessing, ito ay paraan po natin ng pag- eexpress ng ating pagpapasalamat because God is always Good to us and off course sabi nga, when we are generous, you can never outdo God in Generousity na sa mata ng Diyos tayo ay mabuting katiwala na through us maraming tao po ang nakikinabang ng kaniyang biyaya sa atin kaya all of us are always encourge to share and to give,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Bellen.

Lubos naman ang papasalamat ng mga guro ng Camias High School sa paghahandog ng Radio Veritas,TV Maria at RCAM Clergy ng regalo sa mga mag-aaral na Aeta.

Sinabi ni Ms.Febie Ramirez, teacher coordinator ng Camias High School na napakabuti ng inisyatibo at napakalaking tulong sa mga guro, mag-aaral na aeta at kanilang pamilya.

Ibinahagi ni ginang Ramirez na napaliblib ng kanilang lugar kaya’t hindi agad nakakarating o madalas ang natatanggap na tulong para sa mga mag-aaral na Aeta.

Labis rin ang ipinaabot na pasasalamat ni Ramirez kay Father Bellen at sa mga katulong ng Pari upang maihatid ang tulong sa liblib na komunidad sa Baranggay Kamias.

“Maraming-maraming salamat po Father Roy and sa lahat po ng stakeholders na tumulong po sa mga pinamigay na foodpacks and Chairs po, malaking malaking tulong po ito at talagang napasaya niyo po yung mga bata at same with sa amin rin pogn mga teachers kasi isa yan doon sa mga problema po namin kasi talagang kulang po kami ng bangko so knowing magkano po ang bangko sa bawat isa so napakalaking tulong po na minsan ko lang siyang sinabi kay Father and then sabi niya, try natin maghanap tayo ng sponsors, so tuwang tuwa po kami, talagang nag-pray po kami na maibigay po talaga yung mga bangko,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ms.Febie.

Kabilang Aeta Magindi community sa kabundukan ng Porac Pampanga sa mahigit 14-milyong populasyon ng mga indegenous people sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 204,839 total reads

 204,839 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 239,512 total reads

 239,512 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 255,412 total reads

 255,412 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 291,900 total reads

 291,900 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 298,341 total reads

 298,341 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top