Radio Veritas Grand Marian, binuksan sa Fisher Mall Malabon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,939 total reads

Inaanyayahan ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual ang mananampalataya sa Grand Marian Exhibit ng himpilan.

Ayon sa pari ito ay magandang pagkakataon upang higit na mapagtibay ang pananampalataya ng mga Pilipinong tinaguriang Pueblo Amante de Maria o bayang namimintuho sa Mahal na Birhen.

“Mga Kapanalig kayo po’y aming inaanyayahan ngayong Oktubre sa Grand Marian Exhibit, ito ay napakagandang pilgrimage lalo ngayong ipinagdiriwang natin ang Holy Rosary Month. Patuloy nating pagnilayan ang buhay ni Hesus sa tulong at gabay ng Mahal na Ina, ang kauna-unahang tumugon sa kalooban ng Diyos para sa ikaliligtas ng sanlibutan,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Sa pangunguna ni Renee Jose ng religious department itatampok sa exhibit ang humigit kumulang 100 mga imahe ng Mahal na Birhen mula October 1 hanggang 20 sa Fisher Mall sa Malabon City.

Aniya ito ang isa sa gawain ng himpilan sa pagpapalaganap ng ebanghelisasyon at debosyon ng Mahal na Birheng Maria lalo’t ang Oktubre ay ginugunita sa bansa ang Santo Rosaryo.

“Iniimbitahan namin ang lahat na bisitahin ang ating Marian exhibit na isa sa effort ng Radio Veritas sa evangelization kung saan maaring magdasal ng Holy Rosary habang tutunghayan ang iba’t ibang pilgrim images,” ayon kay Jose.

Pinangunahan ni Fr. Vhong Turingan ang pagbasbas at pagbukas ng grand marian exhibit kasama ang mga kinatawan ng Fisher Mall Malabon.

Pinasalamatan ng Radio Veritas ang pamunuan ng Fisher Mall sa ibinigay na pagkakataong maging katuwang sa pagmimisyon ng himpilan sa pamamagitan ng grand Marian exhibit.

Para sa mass intentions and offerings makipag-ugnayan lamang sa mga kawani ng himpilan na nakatalaga sa exhibit o makipag-ugnayan sa 8925 – 7931 hanggang 39 local 129, 131 at 137 o mag-text sa 0917 – 631 – 4589.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,558 total reads

 33,558 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,576 total reads

 69,576 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,846 total reads

 295,846 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 189,313 total reads

 189,313 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,570 total reads

 281,570 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top